Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Andre Paras: Ayaw ma-compare sa ama?

Updated On: February 20, 2020, 01:27 PM
Benjie and Andre Paras have a lot of things in common: Both started out as basketball players and then later pursued a showbiz career. Why did Andre deny that he is following his father's footsteps before?    
By AL KENDRICK NOGUERA


 
Sa mga unang statement ni Andre Paras, sinabi niyang hindi niya sinusundan ang yapak ng amang si Benjie Paras. Pero ngayon, parang nag-iba na ang ihip ng hangin dahil unti-unti na niyang natatanggap sa sarili na patungo rin siya sa direksyong tinahak ng ama.
 
Last year lang pumasok ng college si Andre. Nag-enroll siya sa University of the Philippines at sumali sa UP Fighting Maroons. Dahil dito, naging usap-usapan na sinusundan niya nga ang yapak ng ama.
 
Taong 1986 kasi nang mag-champion ang UP sa UAAP men’s basketball. Ito ang kanilang first and only championship title at malaki ang naiambag dito ng noo’y rookie na si Benjie.
 
Sa pag-enroll ni Andre sa UP noong nakaraang taon, itinanggi niyang may impluwensiya ang kanyang ama sa kanyang decision na maging Iskolar ng Bayan. Ayon sa kanya, ang kursong film daw ang dahilan kaya siya pumasok dito. Alam niya raw kasing magaling magturo ng film and UP.
 
Pero ngayong taon, nagdesisyon si Andre na iwan ang UP at lumipat sa San Beda College dahil nahihirapan siyang pagsabayin ang career at ang pag-aaral sa university.
 
Kung kailan iniwan ni Andre ang pagiging UP Fighting Maroon, tsaka niya inamin sa sarili na sinusundan niya nga ang yapak ni Benjie. Parehas kasi silang nagsimula bilang isang basketball athlete at pinasok na rin ang showbiz 'di kalaunan.
 
Mayroon pala kasing dahilan noon si Andre kaya’t itinatanggi niya ito sa publiko. Iniiwasan lang pala ng The Half Sisters star na maikumpara siya sa ama. Pahayag niya, “Before I was saying I don't follow his footsteps. Kasi nga they're gonna compare.”
 
Pero ayon kay Andre, wala na siyang pakialam ngayon kung maikumpara siya kay Benjie dahil hindi niya ikinahihiya ang ama dahil napakabuti nito sa kanilang magkakapatid. “He was always supportive. What you see on TV is what you see at home. So he always makes us smile,” ani Andre.
 
Dagdag pa niya, “And in basketball, he didn't force us. He's there to support us and to serve as inspiration. That's the type of a person he is. He wouldn't interfere on what you want. He will be always there to guide you as long as it's right. If it's wrong, he'll do his very best to stop you.”
Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.