Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Jeric Gonzales on Thea Tolentino: “Mas lumalim ‘yong relasyon namin”

Updated On: February 23, 2020, 08:36 PM
Sa ginanap na bloggers’ conference ng patuloy na namamayagpag na GMA Afternoon Prime show na ‘Pyra Babaeng Apoy,’ marami ang nakapansin sa kakaibang closeness ng main cast ng soap na sina Thea Tolentino at Jeric Gonzales.
Sa ginanap na bloggers’ conference ng patuloy na namamayagpag na GMA Afternoon Prime show na ‘Pyra Babaeng Apoy,’ marami ang nakapansin sa kakaibang closeness ng main cast ng soap na sina Thea Tolentino at Jeric Gonzales.

Maraming shows na nga ang pinagsamahan ng dalawa mula pa noong nanalo sila sa ‘Protégé Season 2.’ Nagkasama rin sila sa GMA Telebabad soap na ‘Love and Lies,’ ‘Teen Gen,’ at ngayon sa ‘Pyra Babaeng Apoy.’

Sa tagal nilang magkasama, mayroon na raw silang mga bagong na-discover sa isa’t isa. “Puwede pala siyang (Jeric) maging open nang ganoon. Kasi dati, oo close kami pero hindi ‘yung to the point na as in mag-oopen kami ng secrets talaga,” pahayag ni Thea.

Nang tangunin si Thea kung puwede ba siyang mag-reveal ng secret ni Jeric na puwedeng i-share, “Wala akong secret niya na puwedeng sabihin eh. Kasi talagang secret talaga. Sa aming dalawa na lang ‘yon,” sagot ni Thea.

Ayon naman kay Jeric, mas lumalim na raw talaga ang relasyon nila ni Thea. “Kung ikukumpara noong Teen Gen at Love and Lies. Ngayon mas sobrang close kami. Katulad ng sinabi niya (Thea), mas marami kaming nalalaman sa isa't isa,” dagdag niya.

Tinanong kay Jeric kung hanggang saan ba aabot ang relasyon nila ni Thea, sinabi nito na kung hindi talaga sila paghihiwalayin, talagang mas lalalim pa kung ano mang status ng relasyon na mayroon sila. Pahayag ni Jeric, “eh ako naman kasi nandito lang ako palagi para kay Thea eh.”

Ani Jeric, kaya niya raw nagustuhan si Thea ay dahil sa pagiging simple nito. “Parehas kaming galing sa Protege. Nakita namin ang pag-grow ng bawat isa at ‘yong improvements namin. Tapos hanggang ngayon walang nagbabago sa’min, kaya iyon ‘yung maganda doon kaya masaya,” dagdag ni Jeric.

Nakilala na raw nang husto ni Thea si Jeric dahil nga naging mas close pa sila ngayon. Nalaman niya na raw ang dahilan kung bakit ganoon ang ugali ni Jeric. Dagdag pa ni Thea, hindi na raw sila naiilang sa isa’t isa ngayon.

Hindi na nagdalawang isip at sabay na sumagot ng “puwede” nang tanungin sila kung puwede rin bang maging off-cam ang kanilang love team.

Bukod sa mga sikretong na-discover nila sa isa’t isa, nagulat sila nang malamang magkalapit lang pala ang mga bahay nila sa Laguna.

“Kasi meron akong schoolmate, nakatira sa same subdvidion ni Jeric. Eh nagpupunta ako doon kapag may group work. Nadadaanan ko pala yung bahay nila (Jeric). Hindi ko naman alam na kila Jeric pala yon,” sabi ni Thea.

Meant to be kaya talaga sila Thea at Jeric? Panoorin ang kanilang mga karakter bilang Pyra at Jeffrey sa GMA Afternoon Prime show na Pyra Babaeng Apoy, weekdays after Magkano Ba Ang Pag-ibig? Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com
Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.