Filtered By: Showbiz News | News
Pamilya ni Richard, boto kay Sarah?
Published On: August 27, 2012, 12:00 AM
Updated On: October 2, 2020, 03:48 PM
Naging mas kapana-panabik ang mga tagpo sa GMA primetime series na Makapiling Kang Muli. Noong nakaraang Miyerkules (August 22) ay nag-last taping day na ang naturang serye na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez, Carla Abellana at Sarah Lahbati.
Naging mas kapana-panabik ang mga tagpo sa GMA primetime series na Makapiling Kang Muli. Noong nakaraang Miyerkules (August 22) ay nag-last taping day na ang naturang serye na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez, Carla Abellana at Sarah Lahbati.
Dahil sa bali-balitang malapit sa set sina Sarah at Chard, kinunpirma ito ng Startalk TX mula sa isa sa mga leading ladies ng actor na si Carla. “Funny and fun to be with sila together. Okay naman silang dalawa, at very positive ‘yong relasyon naming lahat dito. So ‘pag nakikita ko silang dalawa, lagi silang happy,” kuwento ng nakangiting si Carla.
Tanggap na tanggap na rin daw ng pamilya Gutierrez ang rumored girlfriend nitong si Sarah. Last Tuesday, (August 21) sa birthday party ni Philip Salvador, kitang-kita ang magandang pakikitungo nina Eddie Gutierrez at Anabelle Rama sa dalaga. “Natutuwa po ako sa kanila, kasi po sobrang bait po nila and they are super sweet,” kuwento ni Sarah.
Inamin din ni Chard na matagal nang kilala ng kanyang pamilya si Sarah. “Ang family ko naman, matagal nang kilala si Sarah, simula pa noong Makapiling Kang Muli.”
Maging ang magulang daw ni Sarah ay maganda rin ang pakitungo sa actor. “Nagkaroon ako ng chance na ma-meet ‘yong father niya noong nag-vacation dito. Of course ‘yong mom niya nakilala ko na rin. So okay naman kami.”
Will Richard and Sarah, take their friendship to the next level?
Nang tanungin ito kung magtutuloy-tuloy ang magandang samahan na nasimulan nila ngayong magwawakas na ang Makapiling Kang Muli, ito naman ang isinagot ni Richard. “Iyong closeness namin, nakarating na lang sa media at ‘di namin syempre ginagawa ‘yon para sa show. Kaya nga umiiwas kami sa interview kahit papaano, kasi ayaw naming masabihan na dahil lamang sa show kaya kami napag-uusapan. ‘Yong pagiging close namin, talagang pinag-uusapan ng tao pero wala naman kaming ginagawa roon. “
Nang tanungin naman ang dalawa kung posibleng lumalim pa sa pagkakaibigan ang kanilang samahan, ito naman ang kanilang naging sagot. “Sa ngayon syempre uulit-ulitin ko, bilang patapos na ‘yong show namin, ito ‘yong main focus namin. Andito na ngayon but we are very happy, and I’m very inspired,” nakangiting sagot ni Sarah. Sa panig naman ni Chard, “Maraming boto sa amin and stuff like that, pero ayaw naming madaliin. Basta kami ni Sarah, kung anuman ‘yong pinag-usapan namin malalaman niyo na lang ‘yon.”
Subaybayan sina Richard Gutierrez, Carla Abellana at Sarah Lahbati sa huling dalawang linggo ng Makapiling Kang Muli, pagkatapos ng Luna Blanca sa GMA Telebabad!
Trending Articles