Filtered By: Showbiz News | News
Sunshine Dizon, gusto na raw magka-baby
Published On: April 29, 2010, 12:00 AM
Updated On: April 19, 2020, 12:01 AM
Mahigit isang buwan pa lang ang nakalilipas nang ikasal ang aktres sa kanyang pilot boyfriend na si Timothy Tan noong March 20, pero gusto na raw magka-baby ni
Mahigit isang buwan pa lang ang nakalilipas nang ikasal si Sunshine Dizon sa kanyang pilot boyfriend na si Timothy Tan noong March 20, pero gusto na raw magka-baby ni Sunshine. Gayunpaman hindi pa nga nababalita na buntis ang aktres kaya paano raw magkaka-baby.
Usap-usapan na ang totoo raw talaga na [ang gustong] magka-baby na si Sunshine ay ang ina nitong si Mommy Dorothy dahil nasasabik na raw itong magkaroon ng apo.
Ayon sa mga makakating dila, kung mabalitang buntis si Sunshine ngayon, ibig sabihin lang nito ay buntis na ang aktres noong magpakasal ito.
Pero kinontra naman ito ng resident psychic ng Tweetbiz na si Myster E sa pagsasabing hindi pa raw buntis si Sunshine. Posible raw na mabuntis ang aktres by September this year pero kailangan daw magpahinga nito dahil masyado raw itong stress sa trabaho. Lalaki raw ang posibleng maging first baby ni Sunshine.
Samantala, nang matanong naman si Mommy Dorothy kung kumusta ang relasyon nito sa kanyang manugang, sinabi niya perfect daw ang relasyon nila ng kanyang son-in-law.
Well, tiyak na aabangan kung magkakatotoo ang hula ni Myster E. -- Tweetbiz
TWEETBIZ airs from Monday to Friday, 7:30 p.m., with replays at 10:30 on Q Channel 11. On Wednesdays, it airs at 10:30 p.m. to give way to the American Idol telecast.
Trending Articles