Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Ang pasasalamat ni Panday

Updated On: July 18, 2020, 02:41 AM
Matapos pumatok sa box office at umani ng awards sa MMFF, hindi makapaniwala si Sen. Bong Revilla sa mga blessings na nakuha niya sa pagsisimula ng taon.
Matapos pumatok sa box office at umani ng awards sa Metro Manila Film Festival ang "Ang Panday," hindi makapaniwala si Sen. Bong Revilla sa mga blessings na nakuha niya sa pagsisimula ng taon. Ipinahahatid niya ang kanyang pasasalamat sa mga tumangkilik ng kanyang pelikula. Text by Loretta G. Ramirez. Interviews from “Startalk” and “Showbiz Central.” Photo by Mitch S. Mauricio "At this point in time talagang hindi ako makapaniwala, sobra-sobrang biyaya ng Panginoon." Ito ang naging pahayag ni Sen. Bong Revilla Jr. noong bumisita siya sa Startalk last January 2. Sa pitong awards na nakuha ng Ang Panday sa Metro Manila Film Festival, kabilang na ang Best Picture at Best Actor categories, tila walang paglagyan ng tuwa at pasasalamat ang actor/senator. stars"Cloud nine! Up to now hindi pa rin ako makapaniwala. Actually, this is my third Best Actor award. Isa 'yung sa television, isa ‘yung sa FAMAS, at ‘eto 'yung sa MMFF. Talagang makapanindig-balahibo at hindi ko na maintindihan kung ano ang pakiramdam ko habang tinatanggap ko ang award. Kaya isang malaking karangalan para sa akin 'yun." At dahil nga sa success na nakamit ng pelikula na produced ng GMA Films and Imus Production, Sen. Bong announced that they are seriously thinking of doing a sequel. “Pinagplanuhan na namin ‘yan last week pa, dahil sa naging turnout nitong box office ng Panday. Maraming humihiling ng part 2 so malamang may part 2 tayo," ang kuwento ni Sen. Bong. Dagdag pa niya, “Hindi pa lang natin naisasara lahat so, abangan na lang natin sa December 25 [2010] kung meron. Pero siyempre, kapag gumawa tayo, we have to surpass ‘yung first one, ‘yun ang challenge sa amin." But the good news is, mapapanood na ng mga Pinoys all over the world ang box office hit ng taon. “May mga kumu-contact na mga bookers, meron mga idu-dub ito sa English, sa Chinese, merong mga may subtitles lang,” ang excited niyang kwento. Sa pagtatapos, pinasalamatan niya ang mga taong tumulong para maging successful Ang Panday. “Alam ninyo first time, sa dami ng pelikula na ginawa ko ngayon ko lang natanggap ‘yung ganitong klaseng parangal o papuri kaya nga sabi ko nga before, ‘this is Bong Revilla's best film, ever.’ “Kaya umaasa sila sa mga tagahanga ng Panday at maging kay Ninong Ronnie (Fernando Poe Jr.), kung nasaan man siya ngayon, pangangalagaan natin Ang Panday. Pangangalagaan natin ang pangalan na 'yan. Kaya ang aming pasasalamat din kay Tita Susan [Roces] at sa GMA Films,” ang pahayag ni Sen. Bong. He continues by acknowledging the creators of this epic hero. “At espesyal ang aking pasasalamat sa aking mentor na kung baga kumilala sa akin unang una pa man. ‘Yung kauna-unahang director ko, si Carlo J. Caparas at kay Ms. Donna Villa. Talagang, hindi sila nagpabayad para sa rights ng Panday. Thank you.” Of course in conclusion, Sen. Bong thanked his family for all their support. “Yung success na natatamasa ko ngayon, utang ko ‘yan sa tatay ko (Ramon Revilla Sr.), utang ko sa Panginoon, at hindi tayo pababayaan ng Panginoon, daddy. At of course to my wife Lani, thank you.” Mapapanood pa rin Ang Panday in theaters nationwide. Kung gusto ninyong malaman kung paano ginawa ang obra na ito, click on the following links: The Making of 'Ang Panday' (part 1) The Making of 'Ang Panday' (part 2) The Making of 'Ang Panday' (part 3) Pag-usapan ang success ng Ang Panday sa pinagandang iGMA forums! Not yet a member? Register here!
Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.