Filtered By: Showbiz News | News
Ang panawagan ni Panday
Published On: October 23, 2009, 12:00 AM
Updated On: March 28, 2020, 09:12 AM
May chance daw na hindi makasama sa MMFF ang "Panday." Alamin kung bakit mula kay Sen. Bong Revilla mismo.
May naglalabasang balita na may chance na hindi maipalabas sa Metro Manila Film Festival ang pelikula ni Sen. Bong Revilla Jr., ang "Panday." Alamin kung bakit mula kay Panday mismo. Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio
Sa pictorial ng pelikulang Panday, masayang ibinalita ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. na very satisfied siya sa kinalabasan ng shooting. Itinuturing din niyang isa sa pinakamalaki niyang proyekto ang remake ng movie na pinasikat ng namayapang si Fernando Poe, Jr.,
Ngunit ang saya ni Sen. Bong ay napalitan ng lungkot at dismaya nang tanungin naming siya tungkol sa issue na maaring hindi payagan ng Commission on Elections (Comelec) at Supreme Court ang pagpapalabas ng action-adventure movie.
"Nalulungkot ako dahil kung hindi matutuloy 'yan, sayang naman 'yung pinaghandaan natin ng isang taon. Ito ay pelikulang inihanda natin para sa mga bata, sa pamilya, tapos hindi natin maipapalabas," ang madamdaming pahayag sa iGMA ng senador.
Bakit nga ba may possibility na hindi makasama sa MMFF (Metro Manila Film Festival) ang Panday?
"Kinakabahan tayo, kasi meroon pang 10 percent [possibility] na hindi matuloy because I am running for re-election. Upon filing of candidacy, according to them, hindi ka na puwedeng mangampanya." November 30 ang deadline para mag-file ng candidacy ang mga nais tumakbo para sa Senado.
Pero nilinaw ng actor/politician na hindi naman siya mangangampanya sa Panday.
"Noon palang sa Senado, tinanong namin si Chairman Melo (of COMELEC) kung puwede bang makagawa ako ng pelikula, sabi niya wala namang problema, that time. Ngayon biglang lumabas ang ruling na ito. We are not campaigning naman--this is a movie, so trabaho ito, so totally different kaya umaapila pa rin tayo sa COMELEC regarding this."
Nang itinanong namin kung may conflict ang pagpapalabas ng movie niya this December, ito ang kanyang isinagot:
"Sa ating Constitution wala eh, pero siyempe sa ruling nila, dahil meron yata sa Supreme Court decision about Penera vs. COMELEC case na lumalabas na meron silang kinastigo na mayor na nangampanya (before the official campaign period), na parang dinisqualify nila. So nag-file na kami ng motion for reconsideration, hintayin natin 'yung decision nun, para maklaro ang lahat. Kasi ang pelikula nating Panday, hindi naman tayo nangampanya, even before noong tumakbo akong senador meron ding pelikulang Captain Barbell noon na inilabas, bago magsimula ang kampanya"
Despite of the initial ruling of the Supreme Court and COMELEC, hopeful pa rin si Sen. Bong na maipapalabas ang Filipino epic na ito. Kaya naman may panawagan si Panday sa COMELEC at Supreme Court, "Umaapila nga tayo sa COMELEC na 'wag naman sana [pigilan na maipalabas ang Panday sa MMFF] at maging sa Supreme Court na sana maging tama 'yung kanilang desisyon dahil malinaw naman sa ating constitution na 90 days lamang ang pagba-ban ng legal na kampanya."
Pag-usapan ang Panday at ang MMFF sa iGMA Forum! Not yet a member? Register here!
Trending Articles
EXCLUSIVE VIDEOS