Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Abangan ang kakaibang transformation ni Narda

Updated On: October 8, 2020, 02:56 AM
Ang pinakaaabangan na eksena sa telebisyon ay mangyayari na, at on the helm of this transformation is one of our celebrated directors, Dominic Zapata.
Ang pinakaaabangan na eksena sa telebisyon ay manyayari na, and the man behind this transformation is one of our celebrated directors, Dominic Zapata. Text by Erick Mataverde. Photos by Mitch Mauricio and courtesy of GMA Network. starsNaabutan ng iGMA sa isang liblib na set ang isa sa mga direktor ng Darna na si Dominic Zapata. In-between takes aming nabanggit ang impressive ratings na natamo ng kanilang project on its pilot week. "Hindi lang 'yung Darna po nagpataas ng ratings, ano rin 'yan – mahusay na pagma-market, pagpropromo, suporta ng Network, ng iGMA, 'yung synergy ng lahat-lahat ng mga departamento, I think unti-unti na rin natin na-improve ‘yan." explained Direk Dom. "Kasi dati may edge 'yung kalaban natin sa synergy nila, ngayon humuhusay na tayo dyan." At aside from its cast, he also acknowledged the tireless efforts of the creative team behind Darna's reinvention: "I'll keep on saying this until I'm blue on the face – ang strong point ng Darna, I think ngayon is such a solid script from one of the finest writers we have in the country today, who happens to be our head writer and also our creative consultant who also directs for us as well, Jun Lana, he puts up a good team." Totoo ngang napagaling ng team behind this epic story at na-acknowledge naman ito ng viewers. On its pilot week napakataas ng ratings na natanngap ng Darna. Pero siyempre ang pinakaantay natin na eksena ay mangyayari na. And Direk Dom declares that they pulled no stops in making the transformation from Narda to Darna. "'Yung transformation natin naiiba ngayon, kasi, dati pag umusok, whooosh! Tapos pag lumabas, Darna na. Iniisip ko nung bata ako, "Paano kaya kung sidestep ako silipin ko dito sa gilid? Makikita ko ba?" Ipapakita natin pag pumunta ka sa gilid tume-360˚ 'yung kamera, papalibot pa pala itong usok na ito. [At] pag nasa taas ka makikita mo rin na natatakpan rin siya ng usok. Nakatakip pala siya," ang pagalalrawan ni Direk sa classic transformation ni Darna. "Pero for the first time, tatagusin natin 'yung usok na 'yun – lulusot tayo dun sa usok para ipakita natin kung ano nangyayari sa likod ng usok pag nagtra-transform si Darna. It’s very elaborate at mahaba, alam namin hinintay ninyo ang mahabang transformation, kaya ang transformation rin mahabang, mahaba," Direk Dom detailed on how the scene would play. "We will consummate the transformation. Apat na taon nating hinintay ang moment na 'yan, ibigay na natin ng maganda!" Of course he recognizes that the high ratings of Darna which has generated a buzz in our GMA Telebabad likewise translates as to the quality of shows GMA delivers nightly. Known for his quick wit and humor he gives our Kapuso viewers some points in closing: "Gusto namin ipaalala sa lahat, [unang-una], na si Narda lang ang puedeng lumunok ng bato at kahit ang pangalan mo ay 'Narda', hindi mo pa rin puwedeng lunukin 'yung bato, si Narda-ng nagiging Darna lang ang puwede lumunok ng bato. "Pangalawa, mag-stay tayo [afterwards] para panoorin ninyo ang Rosalinda, tsaka 'yung Adik Sa 'Yo, 'tsaka 'yung Survivor. Kasi itong mga show na ito, pinagaganda rin nila ng husto, napanood ko na [ang mga] ito. Maganda ang mga show na 'yun, kaya kailangan suportahan rin natin, hindi dahil fan lang tayo ni Darna – kailangan maging fan din tayo ng Rosalinda at tsaka ng Adik Sa 'Yo. Tikman 'nyo, promise magugustuhan nyo, ako tinikman ko nagustuhan ko!" Kaya don't miss GMA Network's array of Telebabad hits nightly! Pagusapan ang metamorphosis ni Marian Rivera sa Darna. Mag-log on na sa mas pinagandang iGMAForums! Not yet a member? Register here!
Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.