Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Antonio Aquitania is trying to move on

Updated On: October 24, 2020, 02:06 PM
Although alam ng iGMA that the comdeian/kontrabida is still grieving over Tito Dougs' passing, we decided to ask him kung ano nga ba ang balak niya ngayon.
Sa set ng 'Bubble Gang' namin nakausap ang comedian/kontrabida na si Antonio Aquitania. Although alam namin na he is still deeply affected by the loss of his manager, Douglas Quijano, we decided to ask him kung ano nga ba ang balak niya after Tito Dougs’ demise. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio. Sa pagpanaw ng isa sa mga kinikilala at respetadong talent managers sa show business na si Douglas Quijano, maraming nagtatanong kung ano nga ba ang mangyayari sa mga talents na iniwan niya. starsHindi biro ang mga talents na hawak ni Tito Dougs, kabilang na dito ang mga Kapuso stars na sina Richard Gomez, Lucy Torres, Joey Marquez, Anjo Yllana, Jomari Yllana, Wendell Ramos, at ang magkapatid na sina Jay at Antonio Aquitania. Ano na nga ba ang balak nila now that they have been orphaned by their manager? “Actually, ‘yung sinusundan ko palang naman dyan ‘yung mga seniors sa ‘kin. Si Joey, Goma, sila. Actually ‘yung iba, nagkanya-kanya na eh. Kasi hindi nama—‘yung iba taga-ABS, so naghanap na lang sila ng manager from their network pero sa ngayon si Kuya Goma pa rin ‘yung hinihintay ko kung ano talaga ‘yung decision nila,” ang paliwanag ni Antonio sa iGMA. Idinagdag pa niya na habang wala pang concrete desisyon ang grupo nila, siya na muna ang bahala sa mga project at shows niya. “Actually, sa ngayon, ang ginagawa ko ngayon, kaya ko pa naman kahit ako lang muna. Ang mahirap lang kasi dyan ‘yung ibebenta [mo 'yung sarili mo]. Usually 'pag ikaw 'yung talent, may manager para makipag-presyohan [for you]. Hindi ko naman kayang pumunta dun. Sa ngayon, kung ano pa ‘yung nasa kontrata ko, tatapusin ko muna.” May balak ba siya to personally look for a manager soon? “Ang hirap maghanap ng katulad ni Tito Dougs eh. Since nag-start ako sa GMA or sa show business eh, siya na ‘yung manager ko. So parang kalahati na nang edad ko, kilala ko na siya as pangalawang tatay na walang hinihinging kapalit kung hindi magtrabaho ka lang nang tama. Sa dinami-rami ng mga magagandang lalaki, mga magagandang babae, kahit sinong talent dyan na pwedeng kunin, isa ka pa sa mga taong tinulungan niya. “Sa tingin ko meron naman siguro na okay na manager, pero hindi 'yung eksaktong Tito Douglas. Meron ‘yan, marami dyan. Maraming managers naman na mababait eh. Ang problema lang, hindi ‘yung the same treatment ni Tito Dougs,” ang pagtatapos ni Antonio. We are sure na marami pang projects ang dapat abangan sa mga naiwang talents ni Tito Dougs. In the meantime, mapapanood natin si Antonio Aquitania sa Bubble Gang, Fridays night right after GMA Telebabad.
Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.