Filtered By: Showbiz News | News
Buo ang suporta ng GMA para kay Katrina Halili
Published On: May 23, 2009, 12:00 AM
Updated On: August 28, 2020, 03:07 PM
Sa pinagdadaanang pagsubok ngayon ni Katrina, buo ang suporta hindi lang ng kanyang mga katrabaho at kaibigan, kundi pati ang GMA Network.
In these trying times for Katrina Halili, buo ang suporta sa kanya ng GMA Network at ng kanyang mga kaibigan at kasama sa industriya. Text by Jason John S. Lim. Interviews by Erick P. Mataverde. Photos by Connie M. Tungul.
Ang GMA Network mismo ang sumusuporta in these trying times for Katrina Halili. In their official statement, sinaad nila na: "GMA Network supports Ms Katrina Halili in her fight for justice. The network is confident that she will emerge from this episode a better, stronger person. GMA continues to trust her as an artist and awaits her return to do the projects lined up for her."
Ilan sa kanyang mga kaibigan at mga nakatrabaho noon ay nagbigay na rin ng pahayag, kasama ni Jean Garcia na nakasama niya sa Majika at Gagambino.
Ito ang kanyang full statement: "Kay Kat, I feel very, very sad. Lalo na babae ako eh, di ba? Nalulungkot ako pero 'yung sa akin nga is hindi naman [ito] katapusan ng mundo. We all make mistakes, 'di ba? Iba-iba nga lang ng level pero 'yung sa kanya medyo nasasaktan ako for her. Nasa-sad ako for Kat, I feel for her, nahu-hurt ako for her. Pero mas naaawa ako sa gumawa noon kasi ang kapalit noon siguradong mas grabe. So 'yun na lang siguro ang ano ko kay Kat na, you know, magdasal siya, be strong, nandito lang kami no matter what. At tsaka lahat ng mistakes puwede natin itama. So may pagkakataon 'yan. Darating 'yun, Kat.
"Naiiyak nga ako, kasi babae ako. Ako man ang nanay. May anak ako. Kasi, 'di ba, kung gusto mo manira ng tao huwag sa ganoong paraan. Walang kalaban-laban 'yung tao. Babae ako at ako ay isang ina, may anak akong babae. Huwag, very hurting, sobra. Kahit na nakatrabaho ko si Katrina, kung close ako sa kanya o hindi, it doesn't matter. The thing is babae siya at tao siya, kahit mapalalaki o mapababae, matanda, bata, hindi dapat tayo—huwag ganun. Ang pangit. At tsaka maka-Diyos tayo, 'di ba? Katoliko tayo, 'di ba? Sabi natin, mga Kristiyano tayo, huwag naman. Sobra 'yun, sobra talaga, pero ano 'yan, kaya niya 'yan. Ang unang-una naman kasi ngayon na kailangan ni Kat ay suporta ng tao. Unang-una [ng] pamilya niya, pangalawa [ng] mga taong nakakakilala sa kanya [tulad ng] mga kaibigan niya, 'di ba? Basta nandito naman kami for her. For sure 'yan."
GMA Executives
Nakapanayam rin namin ang dalawang tao na tumulong sa pag-build ng career ni Katrina na sina Ms. Redgie Magno, GMA-7 Senior Program Unit Manager and Ms. Redgynn Alba, GMA-7 Program Unit Manager, na may words of support, as well as words of wisdom, para sa dalaga.
Pahayag ni Miss Redgynn: "For me, she should not take this issue like it's only for her. She should consider all the other girls, not only those victimized by Hayden, but also those other girls. Probably innocent young girls who, just like her—I'm not judging—but you know, did a lot of mistakes, or who were foolish enough to fall in love and probably have sex. But the things is, the crime here is nobody should be videotaping you.
"The act itself is totally abhorring for me. But with what Katrina is going through, we all support her. Personally, I am rooting for her. She should be strong. There'd be more pa, I'm sure. There'd be more people who would say negative things about her."
Miss Redgynn brings up the issue na hindi dahil sexy ang image ni Katrina ay may karapatan na ang mga taong gawin ito sa kanya. Using prostitutes as an example, Miss Redgynn says, "Even though you've been paid to have sex, hindi naman dapat gawin sa 'yo 'yung [tulad kay Katrina]. It doesn't mean just because you're a prostitute, people can do bad things to you.
"But my heart is also with their family. Because hindi lang sila din 'yun, eh. It's also the family. The people they love are also involved—kahit friends. I've worked with Katrina; she's nice. And I can't say anything bad nga about her, eh! 'di ba? People make mistakes, we all do naman. I'm with her, I support her one hundred percent."
Miss Redgynn shares a theory na baka ginagamit daw ang mga video na ito to bring down Hayden Kho. Pero, she maintains, that this is not the right way to do it: "If they have material proof, bring it to court! [Exhibiting it to the public] is exploitation in itself, 'di ba? Probably these people, doon sa mga naglabas ng video, they're trying to be the hero by bringing someone down. But that's not the way to do it properly, 'di ba?"
She says that if they really want to bring someone to justice, "If you really want, demanda kaagad natin."
For Miss Redgie naman, ito ang kanyang statement: "After namin malaman lahat nung nangyari sa kanya—close kami ni Katrina, nagte-textan kami—so tinext ko siya, kinamusta ko siya. Sabi ko, 'Anak, kamusta ka na?,' ganyan. Tapos sumagot naman, sabi niya, 'Nay, ganito, ayos naman po.' Sinabi niya kung ano ang ginawa niya, na nag-file [siya] ng [demanda] sa NBI, mga ganun. Tapos tinext ko siya uli, sabi ko, 'Anak, basta nandito lang kami, kung meroon kang kailangan, alam mo naman kung saan ako tatawagan.'"
She continues, "Sinasabi ko palagi sa kanya, na ako personally, humahanga ako sa kanya. Kasi ang tapang niya para harapin ang problemang ‘yan, kasi kung sa iba 'yang babae, baka hindi kakayanin. Sabi nga ni Nadine [Samonte, if it were her], hindi niya kakayanin. Pero ako hangang-hanga ako [kay Kat]. Masasabi ko, saludo ako, saludo ako bilang babae, saludo ako sa tapang na pinapakita niya ngayon. Lahat kami, lahat tayo dito sa GMA ay behind her, we support 'yung fight niya sa rights ng babae. We are willing to support that.
"Ako, hats off kami sa ginagawa niya ngayon. And parang nakikita mo kung paano gumalaw ang kamay ng Diyos, di ba? 'Yung something bad can turn out to be something good. How? Ito si Katrina nape-perceive ng tao na mayroong ganyang lakas ng loob, ng ganyang tapang. Kung tutuusin mo, kung hindi lumabas ito, medyo may pagka-ano ang tingin sa kanya, 'di ba? Pero ngayon nakita mo na ganyan pala ang klase ng pagkatao niya. Na talagang sasaludo ka talaga sa kanya. Talagang hahangaan mo siya."
Ikaw, ano ang words of encouragement mo for Katrina?
Iparating kay Katrina ang iyong words of support! Leave one sa comment box below, or i-text mo sa kanya through Fanatxt. Just text KATRINA and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)
Trending Articles