Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Mark Herras has only good words for "I.T.A.L.Y." partner Rhian Ramos

Updated On: April 10, 2020, 08:08 AM
Mark Herras talks about his experiences with onscreen partner Rhian Ramos while they were shooting GMA Films' I.T.A.L.Y.
Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered! Be on the lookout for multiple updates within the day - you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world. Gusto ni Mark Herras na mag-work ang team-up nila ni Rhian Ramos, lalo na't malapit nang ipalabas ang pelikula nilang I.T.A.L.Y. (I Trust Ang Love You) under GMA Films. starsNagkaroon nga raw ng magandang bonding si Mark sa kanyang leading lady noong mag-shoot sila ng movie sa ilang bansa sa Europe. Role ng isang cruise waiter si Mark samantalang isang sosyal na passenger naman si Rhian. Sey nga ni Mark ay madali naman daw silang nagkasundo ni Rhian dahil bago naman sila nag-shoot ng pelikula ay nagkasama na sila ni Rhian sa GMA Sine Novela na My Only Love. "Noong ginagawa kasi namin ang My Only Love, doon pa lang kami nagiging okey ni Rhian bilang mag-partners. Hindi kami madalas makapagkuwentuhan kasi magkaiba ang location namin at nagkikita lang kami kapag may mga eksena kami. "Pero noong sinu-shoot na namin ang I.T.A.L.Y., doon kami nagkaroon ng maraming time na magkuwentuhan. Kumbaga mas nakilala ko siya at mas marami akong nalaman about her. "Masayang kasama si Rhian sa trabaho. Koboy rin siya. During ng shooting nga namin, kanya-kanya kami ng mga ginagawa kasi nga skeleton crew lang kami kaya kami na ang nag-aayos sa sarili namin at nagbubuhat ng mga gamit namin. Never kong nakitang nagreklamo si Rhian. Tawa pa nga siya nang tawa. Walang boring moment na kasama siya." UNAFFECTED BY "POISON E-MAILS." Aware nga rin daw si Mark sa mga naglabasang "poison e-mails" laban kay Rhian. Nakakatanggap din daw si Mark ng mga ito pero hindi naman daw siya agad naniniwala sa mga gano'n. "Wala akong karapatan to judge anybody lalo na kung katrabaho ko pa. Noong mabasa ko ang mga iyon, mahirap paniwalaan, kasi katrabaho si Rhian at sana nakakaramdam ako ng kakaiba sa kanya. Pero consistent siya sa mga kinikilos at mga pananalita niya. "Siguro, kanya-kanya na lang observation ‘yan. Ang sa akin, okey si Rhian. Wala akong problema sa kanya. Kung may mga taong ayaw sa kanya, choice nila iyon. Basta kami ni Rhian wala kaming problema." starsSURPRISE BOUQUET. Nagkuwento nga si Mark sa isang shooting nila on board sa Costa Magica. May eksenang pinasayaw siya sa stage at bibigyan siya ni Rhian ng flower dahil natuwa ito sa performance niya. Nagulat na lang si Mark nang may isang foreigner na babae na binigyan siya ng isang bouquet ng bulaklak. "Nagulat ako kasi wala iyon sa eksena namin," ngiti ni Mark. "Natuwa rin siguro yung babae sa ginawa ko sa stage kaya binigyan niya rin ako ng flowers. Nakakatuwa kasi ibig sabihin na-appreciate niya ang pagsayaw ko." Inamin ni Mark na maraming magagandang babae ang nakasabay nila sa Costa Magica. Pero hindi siya natuksong magpakilala sa mga ito dahil bukod sa trabaho ang ipinunta nila, baka hindi sila magkaintindihan. "Kasi iba-iba ang lengguwahe nila!" tawa pa ni Mark. "Baka hindi kami magkaintindihan. Pero ang gaganda at mga sexy sila! May mga nag-i-English naman, pero nakakahiya pa rin. Baka pagalitan ako ng line producer namin at sabihin hanggang doon, nagiging makulit ako." STAYING AWAY. Tinanong din namin si Mark kung ano ang masasabi niya sa pinagdaraanan ngayon ng kanyang dating karelasyon na si Jennylyn Mercado. May nagbabalita naman daw sa kanya tungkol kay Jennylyn pero ayaw na niyang makialam. "Hanggang pagbigay na lang ng message ang kaya kong ipaabot kay Jen. Mahirap nang may sabihin ako kasi nabibigyan ng hindi magandang kahulugan ng ibang tao. "Sana lang ay mag-ingat siya, pati na ang baby niya. Nandito naman kami ng mga kaibigan niya na handang magbigay ng tulong sa kanya kung kailangan niya. Basta sa binyag ng baby ay nandoon kami lahat ng mga kaibigan niya." -- PEP (Philippine Entertainment Portal) I.T.A.L.Y. will be hitting the theaters very soon—and you can also catch the behind the scenes primer for the movie soon on GMA-7 and Q Channel 11! Talk about the movie at the iGMA forums! If you're not yet registered, register now! Who knows, you might even get to chat with your favorite Kapuso artist! Hear more of Mark Herras’s thoughts through Fanatxt by texting MARK to 4627! (Each Fanatxt message costs PhP2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, and PhP2.00 for Sun subscribers.)
Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.