Filtered By: Showbiz News | News
Iwa Moto gets favorable responses for her contravida role
Published On: August 22, 2007, 12:00 AM
Updated On: August 23, 2020, 07:19 AM
Tinanong ng PEP.ph si Iwa kung may nakakasalubong na ba siyang mga tao na tila galit na galit sa kanya dahil sa ginagampanan niyang role.
Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered!
Be on the lookout for multiple updates within the day - you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world.
Sa Kapuso Day celebration ng 2007 Kadayawan Festival last Friday, August 17, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang StarStruck 3 First Princess na si Iwa Moto .
Gumaganap na kontrabida si Iwa sa afternoon soap opera ng GMA-7 na Kung Mahawi Man ang Ulap . Tinanong namin si Iwa kung may nakakasalubong na ba siyang mga tao na tila galit na galit sa kanya dahil sa ginagampanan niyang role.
"Marami na po," sagot ni Iwa. "Minsan po sa mall, may matandang lumapit sa akin at sabi niya ‘Ang sama-sama mo, lagi mong inaapi si Catherine [ Nadine Samonte ]!' Minsan naman, may nangurot pa sa akin, ang salbahe ko raw. Kaya ang sagot ko na lang sa kanila, hindi ako ‘yon kundi ang character kong ginagampanan bilang si Rita.
"Pero happy rin po ako kahit nagagalit sila sa akin. Nagpapasalamat ako sa kanila dahil ang ibig sabihin, pasado ang acting ko. Pero may pressure din po sa akin ang pagganap sa role dahil nakakahiya naman kay Ms. Amy Austria, na siyang unang gumanap sa role sa movie, kung hindi ko pagbubutihin ang pag-arte ko. Napanood ko po ang DVD ng Kung Mahawi Ang Ulap kaya nakita ko kung gaano kahusay ang acting ni Ms. Amy," pahayag ng young actress na ang tinutukoy ang original Viva Films movie na pinagbasehan ng kanilang serye.
Samantala, nilinaw na rin ng PEP kay Iwa ang balitang after ni Yexel Sebastian ay si Wesley Gatchalian—kapatid ni Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian na boyfriend ni Pauleen Luna —ang boyfriend niya ngayon.
"Ay, hindi po," mariing tanggi ni Iwa. "Hindi naman po siya nanligaw sa akin. Talagang friends lang kami. Matagal ko na rin siyang hindi nakikita kasi bisi-bisihan po ako talaga ngayon."
Ayon kay Iwa, bukod sa Kung Mahawi Man ang Ulap ay magsisimula na rin siyang mag-taping para sa bagong fantaserye ng GMA-7 na Zaido , kung saan gaganap siya bilang isa sa mga amazona.
Thankful si Iwa sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya after StarStruck 3 . Hindi raw niya in-expect na kahit hindi siya ang nanalo ay nagkasunud-sunod din naman ang projects niya sa GMA-7. -- PEP (Philippine Entertainment Portal)
Tell other people what you think about StarStruck 3’s First Princess, Iwa Moto, in the iGMA forum . If you're not yet registered, register now!
Catch more of Iwa in the afternoon drama, Kung Mahawi Man ang Ulap to find out why she is getting good reviews.
Feel the Fun with Iwa through Fanatxt!. Just send IWA to 4627 for all telcos. (Fanatxt message costs PhP2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, while it costs PhP2.00 for Sun subscribers
Trending Articles