Filtered By: Celebrity Life | Travel
IN PHOTOS: Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos's mala-honeymoon Italian trip
Tila nasa honeymoon phase pa rin sina Ryan at Juday sa kanilang Italian vacation.
Juday and Ryan
Nagbakasyon sina Ryan at Juday sa Italy, at very sweet pa rin sila kahit malapit na mag-10 years since magpakasal ang dalawa.
View
View ang gusto makuha ng dalawa, pero iba ang nasama sa shot, ngunit kahit ganun ay natawa na lang si Juday. Aniya, "Sabi namin kay kuya, isama yung obelisk e.. sige na nga.. mga baso na lang."
Roma food tour
Sumabak din ang dalawa sa "roman food tour" kung saan nakatikim sila ng gelato sa bansa.
Pizza
Juday's new favorite pizza place! Ika niya, "By far.. the best pizza in Italy for me. Dadayuhin kita uli someday.. mga 3 days from now!"