
Binisita ni Kapuso actress Bea Binene ang bayan ng Real, Quezon para sa programang Good News.
Nakilala ang bayan ng Real bilang isang surfing spot dahil malalakas ang mga alon dito.
Siyempre, hindi ito pinalampas ni Bea at sinubukan din niyang mag-surf!
Matapos ang ilang pagsubok, tagumpay ding nakatayo sa surfboard at nakasakay sa mga alon si Bea.
"Masaya siya kasi dito, hindi siya ganoon kalalim. Hindi ka masyadong matatakot, kapag nahulog ka or something, [na] hindi mo nari-reach 'yung floor kasi hindi siya ganoon kalalim eh. Ang maganda dito is 'yung waves niya, hindi lahat malalaki. Kapag nate-threaten ka pa doon sa malaki, pwede 'yung mga baby baby waves muna. Masaya! Gusto kong ulitin," kuwento niya tungkol sa experience.
Panoorin ang feature ni Bea at ng Good News sa Real, Quezon: