Barbie Forteza, enjoy sa kanyang solo trip sa South Korea
Noong Biyernes, February 14, maraming celebrities nagdiwang ng Araw ng mga Puso kasama ang kani-kanilang mga date. Ngunit si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, nag-enjoy sa kaniyang solo trip sa pagbisita sa South Korea.
Matatandaan na noong January 2 ay inanunsyo ni Barbie sa kaniyang Instagram ang paghihiwalay nila ng kapwa actor at dating boyfriend ng 7 taon na si Jak Roberto.
Aniya, “Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen and so much love.”
Sinabi rin ng Kapuso Primetime Princess na “exceptional” ang pagmamahal ni Jak, ngunit pag-amin niya, “good things also fall apart so that better things can come together."
Kaya naman, para magdiwang ng Valentine's day ay nagpunta na lang si Barbie sa South Korea para makapag-relax.
Tingnan ang solo era vacation ni Barbie sa South Korea sa gallery na ito:
Korean vacation
Nagpunta sa South Korea si Barbie Forteza para sa isang well-deserved break matapos gawin ang kanilang historical drama series na 'Pulang Araw.'
Valentine's Day insert: 2-1 and 2-2
Doon din ipinagdiwang ni Barbie Forteza ang Valentine's Day na mag-isa. Bukod sa good food, na-enjoy rin ng Kapuso Primetime Princess ang pagbabasa ng mga libro.
Worth it
Kuwento ni Barbie ay worth it ang halos isang araw na paglalakad niya makapunta lang sa naturang restaurant dahil masarap ang pasta at kape na in-order niya.
K-Pop idols
Sa restaurant naman na pinuntahan ni Barbie Forteza sa Seongsu-dong, sinabi niyang bali-balitang may mga nagpupuntang K-Pop idols doon. Ngunit sabi rin ng aktres, "Nagbill out na ko't lahat, wala pa rin "