Whamos Cruz and Antonette Gail explore Japan with Baby Meteor
Enjoy sa kanilang trip sa Japan ang content creators na sina Whamos Cruz at Antonette Gail kasama ang kanilang one-year-old son na si Baby Meteor.
Sa Instagram, ipinakita ni Antonette ang ilan sa highlights ng kanilang trip sa Japan kung saan iba't ibang sikat na atraksyon sa Tokyo ang kanilang pinuntahan.
Tingnan ang masayang trip nina Whamos at Antonette kasama si Baby Meteor sa gallery na ito:
Whamos Cruz and Antonette Gail
Nagpunta sa Japan kamakailan ang content creators na sina Whamos Cruz at Antonette Gail kasama ang kanilang anak na si Baby Meteor.
Japan
Sa kanyang social media accounts, ipinakita ni Antonette Gail ang ilan sa mga sikat na atraksyon na pinuntahan nila sa Japan.
Shinjuku, Tokyo
Nakaawrang naglibot si Antonette Gail sa Shinjuku, Tokyo--suot ang kanyang sexy yellow outfit.
Tokyo Disneyland
Isa sa hindi pinalagpas na bisitahin nina Whamos Cruz at Antonette Gail kasama si Baby Meteor ay ang sikat na theme park na Tokyo Disneyland.
Enjoy
Kitang-kita na hindi lang si Baby Meteor ang nag-enjoy sa Tokyo Disneyland kung hindi maging ang kanyang mga magulang na sina Whamos at Antonette.
Shibuya Crossing
Ibinahagi rin ni Antonette Gail ang experience nila sa sikat na sikat na Shibuya Crossing, kung saan nakita nila ang Hachiko Memorial Statue.
Lake Kawaguchi
Napagmasdan din nila Whamos at Antonette ang magandang tanawin ng Lake Kawaguchi sa bayan ng Fujikawaguchiko.
Kamakurakkmae Station
Tuwang-tuwa si Whamos Cruz nang mapuntahan ang Kamakurakōkōmae Station na aniya ay "Slamdunk Real Station."