IN PHOTOS: Faith Da Silva's relaxing getaway in Siargao
Matapos ang ilang buwang lock-in taping para sa Afternoon Prime series na Las Hermanas, nagkaroon ng isang relaxing vacation si Faith Da Silva sa Siargao.
Ilan sa hindi pinalagpas na mga aktibidad ni Faith sa Siargao ay ang surfing, road trip at beach hopping. Kasama ang kanyang mga kaibigan, enjoy na enjoy ang aktres sa naging bakasyon sa isla.
Silipin ang masayang bakasyon ni Las Hermanas star Faith Da Silva sa Siargao sa gallery na ito:
Tide
Isa sa aktibidad na hindi pinalagpas ni Faith Da Silva sa pagbisita sa Siargao ay ang beach hopping.
Ride
Matapos ang ilang buwang taping para sa GMA Afternoon Prime series na 'Las Hermanas,' muling nakapagbakasyon si Faith Da Silva kasama ang mga kaibigan.
Tea
Hindi lang sa beach nag-enjoy si Faith Da Silva dahil maging sa villa na tinuluyan ay nakapag-relax ito.
Surfing
Hindi pinalagpas ni Faith Da Silva ang isa sa atraksyon ng Siargao, ang naglalakihang mga alon na ito na dinarayo ng mga surfer.
White bikini
Suot ang two-piece bikini na ito, binati ni Faith ang kanyang mga tagahanga ng isang magandang umaga.