Gabbi Garcia, hataw sa pagsayaw ng 'Salamin, Salamin' ng BINI sa Siargao
Talaga namang puno ng saya at good vibes ang trip ngayon ni Sang'gre actress Gabbi Garcia sa Siargao kasama ang nobyong si Khalil Ramos at ng iba pang celebrities at influencers.
Sa TikTok post ni Sam YG, ipinakita nito ang video ni Gabbi Garcia habang game na game na humataw sa kantang "Salamin, Salamin" ng BINI nang ayain siyang sumayaw sa gitna.
Alam na alam din ni Gabbi Garcia ang steps ng dance track at tuwang-tuwa naman ang mga nakapanood sa kanya.
Komento ng isang netizen, "Ang graceful sumayaw ni Gabbi."
Biro naman ng isang TikTok user, "Gabbi, ang 9th member ng BINI at long lost sister ni Aiah."
Dagdag pa ng isang netizen, "Cute cute ni Gabbi, [napaka kalog]."
Samantala, soon muling mapapanood si Gabbi Garcia bilang Sang'gre Alena sa inaabangang Encantadia Chronicles: Sang'gre. Magbabalik din sa serye sina Glaiza De Castro bilang Pirena, Sanya Lopez bilang Danaya, at Kylie Padilla bilang Amihan.
Pagbibidahan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre ng bagong henerasyon ng mga Sang'gre na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith Da Silva, Angel Guardian.