Kapuso celebrities at ang kanilang favorite summer destinations
Iba-iba man ang favorite summer getaway ng ilang Kapuso celebrities, nagkakasundo naman sila na lahat tayo ay kailangan magbakasyon. Alamin kung saan ang kani-kanilang favorite summer destinations sa gallery na ito.
David Licauco
Marami nang napuntahang lugar si Kapuso Chinito Heartthrob David Licauco pero nasa Pilipinas pa rin ang kaniyang paborito.
Baguio
Inamin ni David na mahilig siya mag-beach pero paborito niya pa ring puntahan ang Summer Capital ng Pilipinas, ang Baguio.
Gabbi Garcia
Nagda-dive na si Kapuso Millennial It Girl Gabbi Garcia simula noong bata pa siya kaya naman marami na siyang napuntahang beaches.
Mika Dela Cruz
Gusto naman ng simpleng pamumuhay ng 'Kara Mia' star na si Mika Dela Cruz tuwing summer.
Juancho Trivino
Hindi rin mawawala sa summer plans ni Juancho Trivino taun-taon ang pumunta sa beach.
Gladys Reyes
Hilig ni Gladys Reyes at kaniyang pamilya ang pamamasyal tuwing walang pasok ang kaniyang mga anak.
Bohol
Paborito nilang puntahan tuwing summer ay ang Bohol. Paliwanag ni Gladys, "Bohol, hindi pa siya ganoon ka-crowded and may mga beach din doon."
Allen Ansay and Sofia Pablo
Noong magbukas ang local tourism sa gitna ng COVID-19 pandemic, pinuntahan nina Allen Ansay at Sofia Pablo ang isa sa pinakamagandang tourist destination sa Pilipinas, ang Boracay.
Boracay
Ayon kina Allen at Sofia, nag-enjoy talaga sila sa kanilang bakasyon at gusto nilang bumalik dito pagkatapos ng pandemic.
Palawan
Kuwento nina Jak at Barbie, talagang na-enjoy nila ang kanilang bakasyon dahil kasama nila ang kanilang pamilya.