GMA Logo Xian Lim and Kim Chiu
Source: chinitaprincess (Instagram)
Celebrity Life

Xian Lim and Kim Chiu welcome Chinese New Year together

By Jimboy Napoles
Published January 22, 2023 1:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Xian Lim and Kim Chiu


Masayang ipinagdiwang nina Xian Lim at Kim Chiu ang Chinese New Year 2023 nang magkasama.

Magkasamang sinalubong ng Filipino-Chinese celebrity couple na sina Xian Lim at Kim Chiu ang Chinese New Year sa mismong bahay ng aktres sa Cebu ngayong Linggo, January 22.

Sa Instagram post ni Kim, mapapanood ang video ng masaya at maingay na selebrasyon ng kanilang pamilya ng Bagong Taon kasama ang kanyang boyfriend na si Xian.

Makikita rin sa naturang post ang dragon dance, pagsisindi ng insenso, fireworks at iba pang nakagisnang Chinese traditions ng pamilya ni Kim.

“Kung hei fat choi everyone, Happy year of the water rabbit! This 2023,'Be brave, be you,'” caption ni Kim sa kanyang post.

Isang post na ibinahagi ni Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

Spotted din sa isang video ang sweet moment nina Xian at Kim na magkayakap pa habang nanonood ng fireworks at nakikisaya sa dragon dance.

Parehong galing sa Chinese roots sina Xian at Kim kung kaya't nagkakasundo sila sa lahat ng tradisyon ng kanilang mga pamilya.

Matatandaan na kamakailan ay nagtungo rin ang dalawa sa Europe para sa isang saglit na bakasyon bago sila sumalang sa magkakaibang proyekto.

Kamakailan din ay muling nagtambal sina Xian at Kim para sa kanilang comeback movie together na Always sa ilalim ng produksyon ng Viva Films.

SAMANTALA, KILALANIN NAMAN ANG CELEBRITIES NA MAY LAHING CHINESE SA GALLERY NA ITO: