Marc Pingris, kanino ba mas kinabahan noong nililigawan si Danica Sotto, kay Vic Sotto o Dina Bonnevie?
Mahigit 15 taon na ngayong kasal sina Marc Pingris at Danica Sotto.
Sa Surprise Guest with Pia Arcangel, masayang binalikan ni Marc Pingris ang naging karanasan noong nililigawan pa lamang si Danica.
Ayon kay Marc, matagal silang naging magkaibigan ni Danica bago niya ito niligawan nang anim na buwan. "Old school" din daw ang naging panliligaw niya noon sa asawa kung saan nagpapaalam pa siya kay Vic Sotto sa tuwing magde-date at aalis sila ni Danica.
"'Sir puwede ba kaming pumunta ng Baguio ni Danica?' Or 'Puwede ba kaming umuwi ng province?' Nagpapaalam talaga ako," kuwento niya.
Natatawa namang sinagot ni Marc ang tanong ni Pia kung kanino nga ba siya mas kinabahan noong nililigawan pa lang si Danica, kay Vic ba o sa mommy nitong si Dina Bonnevie?
Sagot ni Marc, mas kinabahan daw siya kay Dina noong makaharap niya ito kaysa kay Vic.
"Si Mommy D (Dina) dahil siya 'yung matanong. Kasi si daddy (Vic) relax lang, so kapag nakaupo siya roon, hindi magtatanong 'to. Si Mommy D pulis talaga 'yan, hindi lang pulis, sundalo talaga 'yan," sabi niya.
Noong Hunyo, masayang ibinalita nina Marc at Danica na magkakaroon na sila ng ikatlong anak.
TINGNAN ANG MASAYANG PAMILYA NINA MARC PINGRIS AT DANICA SOTTO RITO: