Iya Villania talks about her decision to save her virginity
Inamin ni Iya Villania na naging buo ang kanyang desisyon na i-save ang kanyang virginity hanggang siya ay ikasal kay Drew Arellano.
Naging magkarelasyon sina Iya at Drew ng sampung taon bago sila nagpakasal noong 2014.
PHOTO SOURCE: iyavillania
Kuwento ni Iya sa YouTube channel ni Camille Prats, "For me, that moment is a sacred one. I want to save it for the person that I will actually marry."
Paliwanag pa ng Eat Well, Live Well. Stay Well. season 4 star, "It's really one way of honoring yourself and when you're honoring yourself, you're honoring God."
Ayon kay Iya, naisip niya na baka raw ang blessings na natatanggap niya ay dahil sa naging desisyon niyang i-save ang kanyang virginity.
"I don't know if it has anything to do with the blessings that I've been receiving, but who knows. Maybe that's why God has been so good to me," aniya.
Ibinahagi rin ni Iya ang kanyang paghanga kay Drew dahil sa pagrespeto nito ang kanyang desisyon.
"He is patient and he respected that. So sa totoo lang, sa aming dalawa, siya talaga 'yung mas palaban. Kasi I don't know what I'm missing out kasi wala pa naman akong action."
Dugtong pa niya, "He knows what it's about but he's willing to wait. Mas mahirap 'yun on his end.
Sina Iya at Drew ay nag-celebrate ng kanilang eighth wedding anniversary ngayong 2022. Mayroon na rin silang apat na anak na sina Primo, Leon, Alana, at Astro.
TINGNAN ANG FAMILY PHOTOS NINA DREW AT IYA RITO: