Filtered By: Celebrity Life | Relationship
Beauty Gonzalez
Celebrity Life

Beauty Gonzalez on happy married life with Norman Crisologo: 'We just really clicked'

By Nherz Almo
Updated On: September 13, 2022, 05:26 PM
Norman Crisologo on his wife Beauty Gonzalez: “Suwerte ko, nakita ko siya!”

Kabaligtaran sa buhay ng karakter niyang si Cindy sa The Fake Life, masaya ang paglalarawan ni Beauty Gonzalez sa kanyang married life kasama ang asawa niyang si Norman Crisologo.Cindy:

Sa ginanap na launch ng Beautéhaus ng BeautéDerm noong nakaraang linggo, tahimik ngunit tila proud na pinanonood ni Norman ang kanyang misis habang ipinakikilala siya bilang bagong celebrity endorser. Kaya naman hindi naiwasan ng entertainment media na tanungin si Beauty kung ano ang sikreto ng matibay na pagsasama nila ni Norman.

“That takes two to answer, that question,” natatawang sagot ng Kapuso actress sabay tingin sa kanyang mister.

Patuloy niya, “Well, siguro I had my husband at the right time. He had me at the right time also. And we just really clicked. Paano ko ba ie-explain?”

Dagdag pa ni Beauty, “Hindi kami nag-aaway, ha. Hindi pa kami nag-aaway to the point na nagwu-walk out or like iyakan or what. Puro tawanan lang. Hindi ko alam kung paano nangyari yun, pero sobrang swak na swak lang yung ugali naming dalawa.”

Nabanggit din ng aktres kung gaano kaimportante ang oras at respeto sa isang relasyon.

Paliwanag niya, “Importante talaga yung you have time for each other, no matter kung gaano man ka-busy 'yung work mo. You have to have time, and you have to respect yourself, and you respect your husband. So, importante when you respect yourself, you respect people around you also. Kasi, ang daming temptation, ang daming mga bago ngayon, mga bagay-bagay. Pero 'pag nirerespeto mo ang sarili mo, kahit sa kaibigan, kahit sa business, kahit sa marriage… matiwasay yung buhay mo.”

Maya-maya, ipinasa ni Beauty sa kanyang asawa ang tanong, “Ikaw, babe, what's the secret of our marriage?”

Sagot ni Norman, “Good timing. And a lot of luck. You can work on it as much as you want, but you still need luck at the end of the day, di 'ba? Suwerte lang. Suwerte ko, nakita ko siya!”

Sundot na biro naman ni Beauty, “Buti na lang, binili mo 'yung magasin na nakita mo, ha?!”

Pagkatapos ang ikinuwento niya kung paano sila nagkakilala ng kanyang mister.

“Nakita niya kasi ako sa isang cover ng magasin, eh. And then, pinahanap niya ako. 'Tapos, tumawag siya. Akala ko, nagbebenta ng insurance, kasi puro English. Ayun pala, 'yun na ang magiging asawa ko!”

Samantala, hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na malaki ang agwat ng edad nina Beauty at Norman. Thirty-one years old pa lamang ang aktres samantalang 56 years old ang businessman husband niya.

Gayunman, ayon kay Beauty, “Actually, mas matanda ako sa kanya.”

Paliwanag niya, “Ako, natutulog na ako ng alas otso ng gabi. Manonood kami ng TV 'tapos magpapanggap ako na, 'Ano na ang nangyayari?' 'Tapos mamaya [tulog na]. Ako yung umuuwi nang maaga, ako yung gumigising nang maaga, ako yung ayaw lumabas ng bahay.

“Siya yung lakwatsero, siya yung maya-maya, 'Tara, let's do this. Let's do that,' which I truly appreciate kasi if wala siya, I will be just there, like a wallpaper.”

SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG PANG CELEBRITIES AT KANILANG PARTNERS NA MAY MALAKING AGE GAP SA GALLERY NA ITO:

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.