Filtered By: Celebrity Life | Relationship
Elijah Canlas, Miles Ocampo
Celebrity Life

Miles Ocampo and Elijah Canlas go on a date in Baguio

By Jimboy Napoles
"Recommended po ba dapat na may kayakap?" tanong ni MJ Lastimosa kina Miles Ocampo at Elijah Canlas kaugnay sa kanilang Baguio trip.

Sweet na sweet ang celebrity couple na sina Miles Ocampo at Elijah Canlas sa kanilang date sa Baguio City kamakailan.

Sa Instagram, ibinahagi ni Elijah ang ilan sa kilig moments nila ni Miles habang magkayakap at nasa isang museum-inspired restaurant sa city of pines.

Sa isa namang video sa nasabing post, mapapanood na very happy si Miles habang tumatakbo at nakikipagkulitan kay Elijah.

"Saya! I would recommend 101%! You're something else. Thank you, for you," caption ni Elijah.

Sa comments section ng post, may kwelang tanong naman ang co-host ni Miles sa Eat Bulaga na si MJ Lastimosa.

"Recommended po ba dapat na may kayakap?" tanong ni MJ sa dalawa.

Mayo ngayong 2022, inamin ng dalawa ang kanilang tunay na relasyon sa pamamagitan ng kanilang sweet posts sa Instagram.

Samantala, dumalo rin si Miles sa katatapos lang na GMA Thanksgiving Gala kasama ang kanyang Crown Artist Management family na sina Maja Salvador, John Lloyd Cruz, at Thou Reyes.

SILIPIN ANG IBA PANG SWEET MOMENTS NINA MILES AT ELIJAH SA GALLERY NA ITO:

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.