GMA Logo Pauleen Luna and Vic Sotto
Celebrity Life

Pauleen Luna, hiling na sana ay humaba pa ang buhay ng kaniyang asawa na si Vic Sotto

By EJ Chua
Published July 8, 2022 4:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Legendary fashion designer Valentino Garavani passes away
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Pauleen Luna and Vic Sotto


Pauleen Luna sa edad ni Vic Sotto: “Hanggang 150 Lord.”

Sa isang episode ng Surprise Guest with Pia Arcangel, inilahad ni Pauleen Luna ang isa sa mga bagay na labis niyang ipinagdarasal.

Ayon kay Pauleen, "I've always prayed na Vic would be given so much more years with us.”

"Like sabi ko, 'Hanggang 150 Lord.' You know why? Kasi I see how much Tali loves him. Actually, I see how Tali needs him," dagdag pa ng celebrity mom.

Dahil sa napapansin niyang intimate ang relationship ng kaniyang mag-ama, isa sa pangamba ng TV host-actress ay ang posibilidad na maikling panahon lamang makakapiling ni Tali ang kaniyang ama.

Pagbabahagi ni Pauleen, "Siguro nga dito pumapasok 'yung age gap, na sana closer para hanggang talagang 50, 60 si Tali. Pero siyempre, hindi naman natin hawak ang mga bagay na 'yan. Only the Lord can dictate those things… I just hope that he (Vic) will be given a lot of years together so that Tali will be able to feel naman na she grew up na buo 'yung pamilya.”

January 2016 nang ikasal si Pauleen kay Vic. Samantala, November 6, 2017 naman nang biyayaan sila ng anak na babae na si Talitha Maria “Tali” Sotto.

Bukod kay Tali, ang 68-year-old Eat Bulaga main host ay mayroong pang apat na anak.

Sila ay sina Danica at Oyo Boy na anak niya sa dating asawa na si Dina Bonnevie, Vico na anak niya sa dating karelasyon na si Coney Reyes, at si Paulina na anak niya sa nakarelasyon niya noon na si Angela Luz.

Kilalanin ang mga apo ni Bossing Vic Sotto sa gallery na ito.