Elijah Canlas, grateful na maging first boyfriend ni Miles Ocampo
Halos isang buwan na ang nakalipas mula nang kumpirmahin ng aktor na si Elijah Canlas sa isang vlog interview ang relasyon nila ng Eat Bulaga host na si Miles Ocampo.
Taong 2021 pa raw naging mag-on sina Elijah at Miles matapos silang magtambal sa isang soap opera pero paglilinaw ng dalawa, hindi raw sila nag-uusap habang ginagawa ang nasabing proyekto at naging close na lamang sila pagkatapos ng programa.
Kuwento ni Elijah sa isang interview, "Doon po kami nag-meet pero hindi po kami close noon."
"Nag-start na kami mag-usap after ng lock-in po," dagdag naman ni Miles.
Inamin din ni Miles na first official boyfriend niya si Elijah at grateful naman aktor dito.
"Siyempre grateful and thankful ako all the time," ani Elijah.
@maesilva50 My OTP EVERYONE!!!! SO HAPPY TO BE PART OF YOUR LOVE STORY. I NEVER THOUGHT THEY WOULD END UP TOGETHER AFTER PAANO ANG PANGAKO. 🥺😭❤️ #milesocampo #elijahcanlas #elimiles #couple #foryou #trending #fyp ♬ When I Met You - Apo Hiking Society
Matatandaan na isang sweet birthday surprise ang inihanda ni Elijah para sa 25th birthday ng girlfriend na si Miles.
Samantala, silipin ang ilang sweet photos nina Miles at Elijah sa gallery na ito: