GMA Logo Kylie Padilla and Aljur Abrenica
Celebrity Life

Kylie Padilla at Aljur Abrenica, maraming rebelasyon sa 'Jojowain o Totropahin'

By Cherry Sun
Published August 17, 2020 5:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lapsag nga babaye, nakita nga ginsab-it sa garahe sa Santa Barbara, Iloilo | One Western Visayas
Hontiveros: 2028 polls, etc tackled in ‘Tropang Angat’ dinner
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla and Aljur Abrenica


Ano kaya ang sagot ni Kylie Padilla kapag banggitin ang pangalan nina Rocco Nacino at Ruru Madrid? Umamin din kaya si Aljur Abrenica kapag tanungin siya tungkol kina Kris Bernal at Rhian Ramos? Panoorin ang kanilang pag-amin dito!

Tila napasalang sa hot seat ang mag-asawang sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica nang gawin nila ang 'Jojowain o Totropahin' challenge sa kanilang pinakabagong vlog.

Kylie Padilla and Aljur Abrenica

Ngayong pinasok na rin nina Kylie at Aljur ang pagba-vlog, nag-iisip daw ang mag-asawa ng iba't ibang content. At para sa kanilang pinakabagong video, naisip nilang tanungin ang isa't isa tungkol sa mga artistang sa tingin nila ay nais nilang maging karelasyon o maging kaibigan lang.

Ayon pa Kylie, “Ang game na 'to may rules. Kunwari single ka, single din 'yung tao. So lilinisin mo lahat 'yun. 'Yun lang 'yung iisipin mo. Walang magseselos, walang magagalit.”

Tila kinabahan naman si Aljur at napasambit ng, “Parang nakakaramdam ako. Parang trap 'to ah.”

Kylie Padilla and Aljur Abrenica reacting to Ruru Madrid and Kris Bernal

Kabilang sa mga lalaking tinanong kung jojowain o totropahin ni Kylie ay sina Benjamin Alves, Rocco Nacino, Martin del Rosario, Kristoffer Martin, Richard Gutierrez, Dennis Trillo, Ruru Madrid, David Licauco at Alden Richards.

Pinaamin naman si Aljur tungkol sa kanyang nararamdaman para kina Ina Raymundo, Solenn Heussaff, Rhian Ramos, Catriona, Jessy Mendiola, Marian Rivera, Kris Bernal, Shaina Magdayao at Michelle Dee.

Dahil sa challenge, binalikan nila ang kanilang childhood crush at pati na real-life relationships kasama ang kapwa celebrities. Nagtanungan din ang mag-asawa tungkol sa ilang international stars.

Matapos kaya nila ang challenge nang hindi nagseselos at nagkakapikunan?

Panoorin dito:


Sina Kylie at Aljur ay ikinasal noong December 2018. Meron na silang dalawang anak, sina Alas at Axl.

Kylie Padilla gets a surprise date at home