Rochelle Pangilinan, ginupitan din ng buhok ang mister na si Arthur Solinap
Nasubukan ang artistic skills ni Rochelle Pangilinan hindi sa pagsasayaw kung hindi sa pag-gupit ng buhok ng kanyang mister na si Arthur Solinap.
Gaya ng ibang married celebrities, sumunod na rin sa at-home haircut trend sina Rochelle at Arthur.
Ipinakita ng aktres sa Instagram ang finish product ng kanilang session.
Mga misis! Oras na para..... 🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣
Isang post na ibinahagi ni Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) noong
Nag-post din ang aktor ng larawan ng kanyang bagong gupit na buhok.
Aniya, “Always trust your wife.”
Samantala, bukod sa pag-aalaga sa kanilang baby na si Shiloh, abala rin si Rochelle sa pagwo-workout kahit pa nasa bahay lang.
Dahil walang proper gym equipment, ilang bagay sa bahay ang ginagamit niya bilang alternatibo. Nag-post din ng safe workout tutorial si Rochelle para sa mga gustong maging active ngayong may enhanced community quarantine.
Sundan ang workout routines at tips ni Rochelle habang naka-quarantine sa kanyang YouTube account.
Rochelle Pangilinan does workout to SexBomb's "Spaghetti"