Sheena Halili reveals husband Jeron Manzanero proposed twice
Ang haba ng hair ni Kapuso actress Sheena Halili dahil 'di lang pala isang beses nag-propose ang kanyang asawang si Jeron Manzanero kundi dalawang beses!
Ito ang ibinahagi ng aktres sa second part ng “Sheena in Love” series sa kanyang YouTube channel.
Pero bago pa man ang revelation na ito, nagbalik-tanaw muna silang dalawa sa first proposal ni Jeron sa isang theater sa Greenhills.
Kuwento ni Sheena, wala siyang kaalam-alam na magpo-propose na sa kanya ang kanyang boyfriend dahil sa sobrang pagod na naramdaman niya ng nakaraang araw.
Sa kanyang pagkuwento, mahahalatang pinaghandaan ni Jeron ang kanyang engrandeng proposal sa tulong ng kanilang pamilya at mga kaibigan.
At nang mapaghalataan na ni Sheena na magpo-propose na ang kanyang kasintahan, ang una raw niyang ginawa ay tiningnan ang kanyang kuko at maghanap ng lipstick sa kanyang bag.
“Proposal na 'to at parang may idea na ako na proposal na ito. Pero maghahanap muna ako ng lipstick talaga.
“Nung pinapalabas na 'yung picture ko, ayan na nakakaiyak na.
“'Tapos nakita ko na 'yung family ko sa likod and nakita ko na 'yung family ni Jeron.
“'Tapos ayun na, 'di ko na kinaya… so halo-halo na 'yung nararamdaman ko.
“'Tapos dumating na siya na umiiyak, so lalo akong naiyak.”
Second proposal
At 'di pa pala 'diyan nagtatapos ang kuwento ni Sheena at Jeron.
Ayon sa lawyer at asawa ni Sheena, mayroon pa siyang isang plano na mag-propose muli sa kasintahan sa Hong Kong.
Aniya, gusto raw niyang siguraduhin na hindi ito nape-pressure dahil marami ang nakawitness ng kanyang matamis na “oo” noong Agosto 27, 2018.
Sambit ni Jeron, “Wala akong time gumawa ng isa na namang magandang proposal na walang makakakilala.
'Pag ginawa ko sa Pilipinas 'yun, 'Di ba nagpropose na yan? Anong nangyari?'
“So pinlano ko talaga na I want to tell her kung anong nararamdaman niya talaga, 'yung matamis niyang 'oo', na walang ibang makakarinig.
“Actually, isang tanong lang, e. Aside from 'Will you marry me?' meron ding 'Are you sure?'”
Anim na buwan pagkatapos ng kanyang first proposal, lumipad ang magkasintahan sa Hong Kong at nagkaroon ng intimate dinner sa isang five-star restaurant.
At doon na naitanong ni Jeron muli kay Sheena ang tanong na “Will you marry me?”
Ang 'di lang nila alam ay marami rin pala ang nakaalam ng kaniyang “intimate proposal” dahil napag-usapan na raw sila ng buong crew ng restaurant.
Pagkatapos ng “yes” ni Sheena ay nagpalakpakan raw ang buong restaurant kaya 'di nila napigilang pagtawanan ang sitwasyon.
Give and take
Sa pagtapos ng video, masayang ibinahagi ni Sheena na napakaswerte nila na nadiskubre nila ang isa't isa.
“'Yung timing namin and yung chemistry namin, pasok sa banga.
“Siguro nung gabi na 'yun na gusto na namin magkakilala biglang pinagtagpo kami.
“Yung time na yun, siguro sabay kami na nagsabing game na kami kay Lord. Kaya 'yung timing na 'yun, ibinigay sa amin.
“Yun yung dapat marealize ng lahat, kung ano dapat ikaw at ano siya, ano ang magwo-work sa inyo.
“Kasi kayo naman ang magsasama habang buhay.”
Panoorin ang video na ito:
Ikinasal sina Sheena at Jeron noong Linggo, February 23, sa The Blue Leaf Cosmopolitan sa Quezon City.
IN PHOTOS: The star-studded wedding of Sheena Halili and Jeron Manzanero
LOOK: Dreamy K-Drama prenup photos of Sheena Halili and Jeron Manzanero