Filtered By: Celebrity Life | Relationship
Celebrity Life

Kris Bernal may hininging pangako kay Aljur Abrenica bago ang kanyang kasal

By Aedrianne Acar
Pinag-usapan online ang pagkikita muli nina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

Marami man ang nagbago sa buhay ng dating magka-love team na sina Kris Bernal at Aljur Abrenica, nanatili pa rin close ang tinaguriang #AlKris ng StarStruck.

Usap-usapan ngayon online ang reunion ni Kris at Aljur, kung saan ibinahagi ng Kapuso drama actress ang pagkikita nila.

Ayon kay Kris, binati niya si Aljur sa bago nilang baby ni Kylie Padilla na si Axl na ipinanganak noong Disyembre.

IN PHOTOS: Kylie Padilla and her cutie patootie son Axl Romeo

Samantala, masaya naman ang hunky aktor sa engagement ni Kris sa non-showbiz BF nito na si Perry Choi.

Sa Instagram video ni Kris Bernal, pinag-pramis pa niya si Aljur na sana ay makapunta ito sa kanyang dream wedding.

“Me, congratulating him for his new born prince.

“Him, congratulating me on my engagement and made a promise that he'll go to my wedding.

“We, getting old. 🏼”

Marami namang netizens ang kinilig sa nangyaring reunion ng #AlKris.

Matatandaan na nagkasama ang dalawa sa mga Kapuso shows tulad na lang ng Zaido: Pulis Pangkalawakan, Coffee Prince, The Last Prince at ang huling project nila na Prinsesa ng Buhay Ko.

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.