
Maraming naantig sa appreciation post ni LJ Reyes para sa kanyang long-time partner na Paolo Contis.
IN PHOTOS: The beautiful family of LJ Reyes and Paolo Contis
Sa Instagram post ng celebrity mom, ibinahagi niya kung paano siya tinulungan ni Paolo sa pag-aalaga ng kanilang baby daughter na si Summer nang minsan ito ay nagkasakit.
Dito narealize ng former StarStruck finalist na masarap ang pakiramdam na may katuwang siya sa pag-aalaga ng kanyang anak.
Saad ni LJ, “'Uy di na pala ako magisa!'”
Dugtong niya, “Minsan nakakalimutan ko na andyan si Pao not because he's absent but because I was so used to doing everything on my own.
“Ang sarap sa pakiramdam na may taong nagaalaga din sayo. Minsan nagagalit pa ako na ang kulit nya sakin! Hahaha (sorry na!) pero I took this photo to remind me na I don't have to feel so messy anymore.
Taos-puso din ang pasasalamat ng Kapuso actress sa Bubble Gang star sa pag-aasikaso nito sa kanilang pamilya.
“So bakit ko kinekwento to? Wala. Gusto ko lang sana magpasalamat kay @paolo_contis! For being the father and partner that you are. Salamat sa pagaalaga sa amin!
“And to tell my fellow moms na minsan ok lang di tayo makapagayos para lang sa pamilya natin. Sasaluhin natin lahat ng suka ng buong buo para sa kanila! Our journeys may all be different pero parepareho ang puso natin!”
Nag-reply naman si Pao sa sweet post ng kanyang girlfriend at sinabing gusto niya na inaalagan silang lahat.
embed photo: Paolo
WATCH: Paolo Contis may plano nang pakasalan si LJ Reyes?
WATCH: Paolo Contis amused by daughter Summer's ability to cry on cue