Filtered By: Celebrity Life | Relationship
Sam Milby and Catriona Gray breakup
Photos from @catriona_gray (IG) and @moiradelatorre (IG)
Celebrity Life

Sam Milby clears Moira Dela Torre from his breakup with Catriona Gray

Isang taon matapos kumalat ang mga ispekulasyon, binasag na ni Sam Milby ang kanyang katahimikan nang kumpirmahing hiwalay na sila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN entertainment journalist na si MJ Felipe sa aktor, nilinaw ni Sam Milby na walang third party sa kanilang breakup.

"There was never a third party sa amin ni Cat. That needs to be cleared. There is no truth to it at all," paninindigan ni Sam.

Usap-usapan sa social media ang singer na si Moira Dela Torre na chini-chismis umano na sangkot sa hiwalayan ng aktor at ng beauty queen. Kumalat sa social media kamakailan ang video ni Catriona sa isang event kung saan hindi niya pinansin umano si Moira.

RELATED CONTENT: Can love heal all wounds? Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, and Sam Milby answer

Babala ni Sam Milby, huwag basta-basta maniniwala sa mga nakikita sa social media.

"It makes me sad, may babala ako sa mga tao. Please mag-ingat kayo sa mga nakikita n'yo sa online. If there's no evidence, 'wag n'yong paniwalaan 'yung nakikita n'yo because in this incident, there's absolutely no truth to it at all," aniya.

Ayon pa kay Sam, binigyan ng malisya ang closeness nila ni Moira noon. Sa palagay niya, "Sobrang close kami before, and I guess people wanted to connect our closeness to may nangyari sa amin."

Pag-amin pa ni Sam, hindi na sila magkaibigan ni Moira ngayon, bagay na hindi na idinetalye ng aktor.

"We are not friends anymore," sabi niya. "It's an issue that's really sensitive."

Ayon pa sa ulat, isa si Sam Milby sa mga talent mula sa Cornerstone Entertainment ang nag-unfollow kay Moira dela Torre sa Instagram.

Samantala, parte si Sam ng CreaZion Studios and GMA Pictures collaboration movie na Everything About My Wife, kung saan kasama niya ang Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. Ipapalabas ang rom-com film sa mga sinehan simula February 26.

RELATED CONTENT: Revisit Sam Milby and Catriona Gray's relationship timeline here:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.