Jam Ignacio and DJ Jellie Aw's relationship timeline
Pinag-uusapan ngayon ng publiko ang relasyon nina Jam Ignacio at DJ Jellie Aw.
Si Jam Ignacio ay ang dating karelasyon ni Karla Estrada. Samantala, si Jellie Aw naman ay nakilala bilang isang DJ at social media personality. Ngayong February 12, ginulat ni Jellie ang publiko nang ibahagi niya ang umano'y pananakit ng kanyang fiancé na si Jam.
Saad ni Jellie kasama ang larawan niyang may mga sugat sa mukha, "HAPPY VALENTINES? T***a mo Jam Ignacio, mapapatay mo ako."
Narito ang ilan sa mga naganap sa relasyon nina Jam at Jellie.
Jam Ignacio and Jellie Aw
Si Jam Ignacio ay nakilala bilang dating boyfriend ni Karla Estrada. Si Jellie Aw naman ay isang club DJ and social media personality.
Social media
Laman ng social media account ni Jam Ignacio ang sweet photos nila ni Jellie Aw simula nang isapubliko nila ang kanilang relasyon.
4 months
Apat na buwan pa lang silang magkarelasyon ngunit nag-propose na si Jam Ignacio kay Jellie Aw.
Engaged
Isang sweet na mensahe naman ang ipinost ni Jellie Aw para kay Jam Ignacio.
"Diko alam na may pa sabog ka @jamignacio diko alam sasabihin ko basta ayaw tumigil ng pawis ko nung nakita ko na nakaluhod ka mas naiyak kapa kesa sakin sure kana ba tlga jan? charot! di ako makapaniwala kasi 4months palang tayo wala pala sa tagal yun at sa dami ng pinag samahan basta mahal mo isang tao at nakikita muna sya sa future mo habang buhay dimo na papatagalin pa thank you sa love and araw araw na pag aalaga mo sakin,kitang kita at ramdam na ramdam ko na ayaw muna ko pakawalan haha! joke pero totoo i love you!"
Jam's post
Saad naman ni Jam Ignacio sa kanilang engagement photos, "Happy ako kasama kita sa special day mo, kasama mo na ako every year tanggal na yung sumpa naging triple celebration tayo. Basta Mahal na Mahal kita !!! I Love You !!!"
News
Ikinagulat ng publiko ang post ni Jellie Aw na pangbubugbog umano ni Jam Ignacio. Saad ni Jellie Aw, "HAPPY VALENTINES? T***a mo Jam Ignacio mapapatay moko wala akong ginawang masama para ganituhin moko halos mamatay ako sa ginawa mo! papalukong kita!"