Ben&Ben's Paolo Benjamin Guico announces engagement to long-time girlfriend
Engaged na ang isa sa mga frontman ng bandang Ben&Ben na si Paolo Benjamin Guico sa kaniyang long-time girlfriend na si Maria Rachel.
Inanunsyo ni Paolo ang kaniyang engagement sa pamamagitan ng isang video na pinost niya sa Instagram at Tiktok. Makikita sa video ang paglalakad nila ni Rachel papunta sa harap ng isang gazebo.
Sa video, makikita rin ang ilang kabanda niya na tumutugtog, bago siya tuluyang lumuhod at inalok ang singsing kay Rachel.
Caption niya sa post, “Tomorrow with you my dear. Thank [you] for saying yes ”
RELATED: SPARKLING ENGAGEMENT RINGS OF CELEBRITIES:
Kamakailan lang ay nagdiwang si Paolo at Rachel ng kanilang third anniversary noong December 2024 na ayon sa Ben&Ben singer ay nagdulot ng “so much growth” sa kanilang dalawa.
“Through the toughest of tests, you've been my teammate, my inspiration, and my source of strength. Thank you for reaching my deepest layers, and loving me for who I am. I wanna face tomorrow with [you, as it comes,” caption niya, kasama ang heart emoji at pag-tag niya kay Rachel.
Congratulations, Paolo and Rachel!
RELATED: Celebrity engagements in 2024
Katya Santos and Paolo Pilar
Maganda ang bungad ng 2024 para sa aktres na si Katya Santos dahil nag-propose sa kaniya ang non-showbiz boyfriend na si Paolo Pilar.
EA Guzman and Shaira Diaz
Ikinagulat ng mga manonood ang engagement news na ibinahagi ng longtime showbiz couple na sina EA Guzman at Shaira Diaz.
2021
Inamin nina EA at Shaira nito lamang Pebrero na ang kanilang engagement ay ginanap noon pang Dec. 25, 2021.
Zanjoe Marudo and Ria Atayde
"Forever sounds good" ang post ni Ria Atayde para i-announce ang kanilang engagement ni Zanjoe Marudo.
February 20
Sagot naman ni Zanjoe sa post ng kaniyang soon-to-be-wife, "And tastes even better." Ibinahagi nina Zanjoe at Ria ang kanilang engagement noong February 20.
Yael and Karylle
Ikinagulat ng madlang people ang proposal ni Yael Yuzon kay Karylle sa 'It's Showtime' ngayong February 26.
Proposal
Tanong ni Yael kay Karylle, “Will you marry me again?” Sinagot naman ito ni Karylle ng matamis na, "Yes."
Si Yael at Karylle ay ikinasal noong 2014 sa San Antonio de Padua Church sa Silang, Cavite.
Ryan Bang and Paola Huyong
Engaged na rin ang 'It's Showtime' host na si Ryan Bang at non-showbiz girlfriend nitong si Paola Huyong.
"8 to infinity"
Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Michele Gumabao sa mga larawan nila ni Aldo, sa "8 to ♾️ with you 😘" Ayon sa post ng Nice Print Photography ginanap sa Tokyo, Japan, ang wedding proposal at engagement photo shoot ng celebrity couple na sina Michele at Aldo.