Barbie Forteza and Jak Roberto's relationship timeline
Noong Huwebes, January 2, inanunsyo ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na hiwalay na sila ng longtime partner na si Jak Roberto, matapos ang pitong taong relasyon.
Ipinaalam ito ni Barbie sa kanyang social media accounts kung saan nagbigay rin siya ng mensahe para kay Jak.
Sinimulan niya ito sa paglalagay ng quote mula kay Dr. Seuss: "Don't cry because it's over. Smile because it happened."
"Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen, and so much love," pagpapatuloy niya.
Sinabi rin ni Barbie na naging "exceptional" ang pagmamahal ng aktor.
"But sometimes, good things fall apart so better things can come together.
"Beautiful goodbye, [Jak Roberto].
"Thank you for loving me the way you did. I am excited for what's to come for the both of us. You take care of yourself. May you find the love you deserve," dagdag niya.
Sa kanyang mensahe, humiling din ang aktres ng pang-unawa mula sa lahat.
"I hope for everyone's understanding and I wish you can help us put this matter to rest."
Tingnan ang relationship timeline nina Barbie Forteza at Jak Roberto sa gallery na ito:
Meant to Be
Isa sa mga unang proyekto nina Barbie Forteza at Jak Roberto ay ang 2017 rom-com series na Meant To Be, kung saan isa ang aktor sa mga nakatambal ng aktres. Gumanap si Barbie bilang Billie, nakilala naman si Jak bilang Andoy.
In a relationship
Opisyal na naging magkasintahan sina Barbie Forteza at Jak Roberto noong May 19, 2017.
Kara Mia
Nagkatambal sina Barbie Forteza at Jak Roberto noong 2019 sa fantasy series na Kara Mia. Bumida si Barbie bilang Kara at gumanap si Jak bilang Boni.
2nd anniversary
Noong May 2019, ipinagdiwang nina Barbie Forteza at Jak Roberto ang kanilang second anniversary sa isang restaurant.
4th anniversary
Kahit na nasa pandemic noon, ipinaramdam nina Barbie Forteza at Jak Roberto ang pagmamahal sa isa't isa kung saan nagpa-deliver ng seafood si Jak sa bahay ni Barbie at sabay silang kumain habang naka-video chat bilang selebrasyon sa kanilang ikaapat na anibersaryo.
5th anniversary
Sa kanilang fifth anniversary, bumiyahe sa Bohol sina Barbie Forteza at Jak Roberto. Nagpalitan din sila ng sweet messages sa isa't isa sa kanilang Instagram accounts.
“I used to dream of fairytales and having a prince charming one day but you have made me love my reality. With you, I've had challenges that helped me become the best version of myself," sulat ni Barbie.
Supportive
Hindi maitatangging naging supportive sina Barbie Forteza at Jak Roberto sa kani-kanilang solo careers.
Japan trip
Noong December 2019, lumipad papuntang Japan sina Barbie Forteza at Jak Roberto para ipagdiwang ang 26th birthday ng aktor. Ilan sa tourist spots na binisita ng dalawa ay ang Mt. Moiwa Bell of Happiness o "Lover's Sanctuary" kung saan magkasama nilang pinatunog ang bell nito.
Pinaniniwalaan na susundan ng kasiyahan hanggang sa hinaharap ang magkasintahang magkasamang magpapatunog ng bell dito.
7th anniversary
Simple lamang ang naging selebrasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto sa kanilang ikapitong anibersaryo--isang restaurant date.
Sa mensahe ni Barbie para kay Jak, inalala nito ang pangako ng aktor sa kanyang pamilya. Sulat niya, "You never fail to treat me the way you promised my family you would. Lastly, you love and care for my family more than you should. You have raised the bar, my love. I'm so grateful for you. Mahal na mahal kita."
Breakup
Ginulat ni Barbie Forteza ang lahat nang ianunsyo ang paghihiwalay nila ng longtime partner na si Jak Roberto noong Huwebes, January 2. Sa kanyang social media accounts, ipinarating ng aktres ang kanyang "beautiful goodbye" para kay Jak.