Rufa Mae Quinto and Trevor Magallanes' relationship timeline
Nagulat ang publiko nang inamin ni Trevor Magallanes na nasa proseso na ng divorce ang relasyon nila ng aktres na si Rufa Mae Quinto.
Sina Rufa Mae at Trevor ay ikinasal noong November 2016. February 2016 nang mapabalitang engaged na ang magkasinatahan. Ipinanganak ng aktres ang anak nila ni Trevor na si Athena noong February 2017.
Balikan ang mga naganap sa relasyon nina Rufa Mae at Trevor dito:
Rufa Mae Quinto and Trevor Magallanes
Ibinalita ni Trevor Magallanes na nasa proseso na ng divorce ang kasal nila ni Rufa Mae Quinto.
Birth of Athena
Pagdating ng February 2017 ay ipinanganak ni Rufa Mae si Alexandria Athena o Athena. Si Athena ay ang nag-iisang anak nina Rufa Mae at Trevor.
Celebration
Ibinabahagi ni Rufa Mae sa kaniyang Instagram account ang milestones at celebrations ng kanilang pamilya.
Events
Sa mga importanteng events ng kanilang anak ay magkasama ang mag-asawang sina Trevor at Rufa Mae.
Work
Naging abala man si Rufa Mae at Trevor sa kani-kanilang mga trabaho at pagiging magulang kay Athena, ipinakita nila sa Instagram posts na mayroon pa rin silang date night na mag-asawa.
Showbiz
Nananatili pa ring visible sa showbiz si Rufa Mae. Tampok pa rin si Rufa Mae sa iba't ibang programa at live events sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Scam issue
Kamakailan ay nadawit ang pangalan ni Rufa Mae sa isang scam issue. Nilinaw naman ni Rufa Mae na biktima siya rito. Nakipag-cooperate si Rufa Mae para linawin ang issue at linisin ang kaniyang pangalan.
Posts
Ikinagulat ng netizens na naka-follow sa account ni Trevor nang maglabas ito ng screenshots ng usapan ni Rufa Mae at hindi ipinakilalang indibidwal. Nag-post din si Trevor ng kaniyang reaksyon sa scam issue na kinasangkutan umano ni Rufa Mae.