Bianca Manalo looks back on her love story with Sen. Win Gatchalian
Tuloy ang saya sa pinakabagong cooking talkshow ng GTV ngayong Linggo matapos makipagkuwentuhan ni Mikee Quintos sa Kapuso beauty queen Bianca Manalo sa pinakabagong episode ng Lutong Bahay.
Nitong Miyerkulas, November 13, binusisi ng Sparkle star ang buhay beauty queen ala Bianca Manalo. Hindi rin niya pinalampas ang mga maiinit na kuwento tungkol sa love story nina Bianca at ng kaniyang asawa na si Senator Win Gatchalian.
Para sa mas masarap na kuwentuhan ay binahagi ni Bianca Manalo at kaniyang ate Kate ang kanilang recipe of success na boiling shrimp na pinaresan naman ni Kuya Dudut ng classic street food na cheese sticks.
Balikan ang masayang kuwentuhan nina Mikee Quintos, Kuya Duduty, at Bianca Manalo sa gallery na ito:
Diet
Ikinuwento ni Bianca Manalo kay Mikee Quintos ang mga diet at restrictions na kailangan niyang pagdaanan noong sumasali pa siya sa mga beauty contests. Ayon kay Bianca, kung kakain siya ng burgers ay kailangan niyang tanggalin ang buns at kung pizza naman ay toppings lang ang kaniyang ine-enjoy.
Beauty Pageants
Binalikan din nina Bianca Manalo at Mikee Quintos ang roots ng kanilang pamilya sa larangan ng beauty contests at sinabing ang kaniyang tita, na kinilala bilang Binibining Pilipinas International 1968, ang unang sumali mula sa kanilang pamilya.
Duck Walk
Pinatikim din ni Bianca Manalo ang buhay beauty queen kay Mikee Quintos at tinuruan ang Sparkle star na mag-duck walk na noo'y ginagawa niya for two hours straight sa mga training.
Advice
Ayon kay Bianca, isa sa mga pinanghawakan niyang advices sa kaniyang pageantry journey ay ang sinabi ng kaniyang ate Kate na “shine bright and own the stage.”
Indecent proposal
Bagamat hindi na dinetalye ni Bianca Manalo, aminado ang beauty queen na nakatanggap na siya ng mga indecent proposals sa kaniyang karera sa pageantry.
Flight Attendant
Binalikan din nina Mikee Quintos at Bianca Manalo ang pagiging flight attendant ng aktres.
Ayon kay Bianca ay nag-training siya for three months bago naging regular na flight attendant, ngunit kinailangan niyang bitawan ang posisyon para sa Binibining Pilipinas. Matapos manalo bilang Binibining Pilipinas Universe ay bigo na itong makabalik sa pagiging F.A.
Win Gatchalian
Kilig naman ang naramdaman nina Mikee Quintos at kuya Dudut nang ikuwento ni Bianca Manalo ang simula ng love story nila ni Sen. Win Gatchalian.
Ayon sa beauty queen, una siyang nakita ng senador sa TV at sinabi sa kaniyang kaibigan na gusto niyang makilala sa Bianca. Ang mutual friend na iyon ay lumabas na manager naman ni Bianca.
Ligaw
Hindi man naging madali kay Sen. Win Gatchalian na makuha ang “oo” ni Bianca Manalo, kalaunan ay napasagot niya din ang beauty queen.
“...Naging single ako ulit, tapos congressman na siya... Sabi ko, 'ang kulit naman nito',” ani Bianca.