Filtered By: Celebrity Life | Relationship
Celebrity couples
Source: mavylegaspi/IG
Celebrity Life

Mavy Legaspi on meeting Kyline Alcantara: 'I've always been civil'

Moving forward na raw si Mavy Legaspi mula sa dating relasyon. Kaya naman hindi raw magiging isyu kung makasalubong o makita ulit niya ang dating ka-love team at girlfriend na si Kyline Alcantara.

Matatandaan na naging maingay ang breakup noon nina Mavy at Kyline dahil sa dami ng espekulasyong lumabas sa social media. Ngunit sa huli, hindi pa rin naging malinaw ang ugat ng kanilang hiwalayan.

“The person's happy. I'm happy. Let's end the year on a good note na peaceful. What's done is done, also, lahat naman masaya,” sabi ni Mavy tungkol sa estado niya ngayon sa panayam ni Nelson Canlas para sa 24 Oras nitong Lunes, November 4.

Sabi pa ng actor-TV host ay wala namang problema sa kaniya sakaling makasalubong o magkita silang muli ng kaniyang ex girlfirend.

“I've always been civil and at the end of the day, we're all just looking for happiness in our lives,” sabi ni Mavy.

Katunayan, ayon kay Mavy, ay may ilang pagkakataon na rin na nagkasalubong sila “a couple of times” at nagkakatanguan at ngitian naman sila, senyales na okay ang dalawa.

Sa ngayon, masaya umano si Mavy sa kaniyang buhay single, “I'm mingling in the gym, working out. Ang masasabi ko lang, my heart's happy.”

Naghahanda na rin si Mavy at nagbabawas ng timbang at nagpapalaki ng katawan para umano sa isang comeback project.

Aniya, “I'm actually very focused on diet, working out. Makikita niyo, in the very near future kung bakit kailangan magpapayat.”

Panoorin ang buong panayam ni Mavy dito:

Samantala, kamakailan ay umamin na ang basketball athlete at nali-link sa Shining Inheritance actress na si Kobe Paras na nagde-date na sila ngayon. Sa isang exclusive interview ng Cosmopolitan Philippines magazine ay tinanong si Kobe kung sino ang kaniyang biggest crush.

Ang sagot ni Kobe, “Kyline Alcantara because we are dating.”

BALIKAN ANG ILANG CELEBRITY COUPLES NA NAUWI SA HIWALAYAN ANG RELASYON SA GALLERY NA ITO:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.