TIMELINE: Maris Racal and Rico Blanco's relationship
Ginulat ni Maris Racal ang publiko nang kumpirmahin niyang hiwalay na sila ng boyfriend niyang si Rico Blanco.
"Rico and I are over," saad ni Maris sa isang interview. "I'm so scared, I'm really scared. Ang dami kasing tanong about him and I am tired of smiling and nodding."
"I'm so scared because if I announce it, then it's real."
Dagdag ni Maris, ilang linggo pa lamang ang nakakaraan mula nang maghiwalay nila ni Rico.
"It's fresh. It's been few weeks, loneliest, emptiest weeks I experienced in my life," dagdag ni Maris.
Sa huli, sinabi ni Maris na naging maganda ang naging pagsasama nilang dalawa ni Rico.
Pagtatapos niya, "Rico and I, our universe was so beautiful. It was so full of love, laughter and music, everything. Its spontaneity, everything. Sa five years namin together, we were always on the same page, always on the same page. But I don't know what happened to me. Maybe I turned to the next page, and saw a new perspective sa life."
"I had visions of who I want to become, how I want to evolve. I'm so curious about the world. And the truth is, I am going through changes, and alam naman natin na change is either good or bad.
"What I hate about change is that it's inevitable, hindi mo siya matatakasan, and wala ka ng ibang [pwedeng] gawin, you have to face it and confront it.
"I told Rico about it. I told him about my problems, my issues sa buhay. And he took it like a man, he took it like a man.
"It was a very difficult talk because I love him so much, I love him and he loves him, but I have so many questions about my life. How will I go on sa buhay with him when I have so many questions about me, my sense of self.
"That was so difficult. But it was a very polite separation. Up to the very end of our relationship, it was still full of love, full of understanding, and Rico is one of a kind.
"If only I could skip throughout my 20s, you know, but I can't. I have to face it, I have to sit with my feelings and acknowledged my changes."
Balikan ang kanilang naging relasyon sa mga larawang ito.
Maris Racal and Rico Blanco
March 2021 nang umugong ang balitang nagkakamabutihan na sina Maris at Rico nang batiin ng aktres ang OPM artist sa kanyang ika-48 na kaarawan.
Brighter Than Sunshine
Sa video na inilabas ni Maris, makikitang kumakanta sila ni Ricco ng "Brighter Than Sunshine," na orihinal na kinanta ng Aqualung.
I Love You
Sa comment section ng post ni Maris, nag-comment si Rico ng, 'Hahaha love youu!!!' na may kasamang tatlong Flamingo emojis.
Age is just a number
Isang araw matapos ang kompirmasyon ni Maris, nagbahagi siya ng cake na may dedication na, "Age is just a number." Twenty four years ang age gap ng dalawa.
Two years
Lingid sa kaalaman ng publiko, simula 2019 ay nagde-date na sina Maris at Rico. Ayon pa sa aktres, sa Las Vegas nangyari ang una nilang date.
Maris' birthday
"[H]appy birthday madam. [L]ove you so much p," simpleng pagbati ni Rico sa birthday ni Maris noong 2021.
Karaoke Nights
Dahil parehong maganda ang kanilang boses, laging nagkakaroon ng karaoke nights sina Maris at Rico.
Maris' 25th birthday
Nagkaroon ng party si Maris sa kanyang ika-25 na kaarawan at si Rico ang tumulong upang ayusin ang lugar, at kumuha ng DJ at banda.
Stranger Things' Robin Buckley
Magkasamang ipinagdiwang nina Maris at Rico ang Halloween noong 2022 kung saan pareho silang nagbihis na para bang si Robin Buckley, ang karakter ni Maya Hawke sa 'Stranger Things.'
Valentine's Day 2024
"Yung mga sandaling pinakamasaya ang puso mo, pinaka buo naman ang akin. Happy [V]alentines [D]ay mahal."
Breakup
July 12, 2024 nang kumpirmahin ni Maris na ilang linggo na ang nakakalipas mula nang maghiwalay nila ni Rico. Sa isang panayam, sinabi ng actress-singer, "Sa five years namin together, we were always on the same page, always on the same page. But I don't know what happened to me. Maybe I turned to the next page, and saw a new perspective sa life."