Mikoy Morales and his non-showbiz GF Isa Garcia's cutest photos
Noong July ay nag-celebrate si Kapuso actor Mikoy Morales at ang kaniyang non-showbiz girlfriend na si Isa Garcia ng kanilang second anniversary.
Sa post ni Mikoy sa kaniyang Instagram, sinabi ng aktor na minsan ay hindi pa rin siya makapaniwala na girlfriend na niya ngayon si Isa pero habang tumatagal ay mas nagiging madali na ang maniwala.
“Doing life with you has been the greatest blessing for the past 2 years, and I don't plan on doing it any other way for the rest,” caption nito sa post.
Dagdag pa ng aktor, “You are my home, my heart, and the best partner I could ever ask for.”
Tingnan ang ilan sa cutest moments nila Mikoy at Isa sa gallery na ito:
The best thing
Sa isa sa mga post ni Mikoy, ipinahayag niya na si Isa ang the best thing na nangyari sa kanya.
Iskoy Travels
Bukod sa Thailand, nagbakasyon din sina Mikoy at Isa sa Singapore at tinawag itong "Iskoy Travels."
Sa Hati ng Gabi
Full support din si Isa kay Mikoy sa isang event para ipromote ang kaniyang podcast na 'Sa Hati ng Gabi.'
Enjoying the beach
Na-enjoy din ni Isa ang beach nang magpunta sila sa Boracay ngunit ayon kay Mikoy ay hindi siya nakasama sa ibang mga lakad nila ng magkasakit ito.
Challenging and daring
Ayon pa kay Isa, challenging para sa kanya ang pelikula ni Mikoy na 'Tether' dahil first daring role ito ng aktor. Ngunit kahit ganun ay proud pa rin siya sa narating nila ni Mikoy.