Andre Paras and his girlfriend Honey Escarez's kilig photos will make you want to fall in love, too
Noong nakaraang buwan ay opisyal nang ipinakilala ng 'Abot-Kamay Na Pangarap' star na si Andre Paras ang kanyang girlfriend na si Honey Escarez.
Sa Instagram, patuloy na pinapakilig ng dalawang magkasintahan ang kanilang followers sa pamamagitan ng kanilang mga sweet photos na kuha mula sa kanilang travel adventure.
Kamakailan lang ay nagbahagi rin ang aktor ng ilang random photos ng kanyang partner.
“I love you Boobee,” aniya sa kanyang caption.
Samantala, silipin sa gallery na ito ang kilig moments nina Andre at Honey.
Andre Paras at Honey Escarez
Hindi maipagkakailang bagay na bagay sa isa't-isa sina Andre Paras at Honey Escarez.
Andre Paras
Si Andre Paras ay dating PBA player at anak ng aktor na si Benjie Paras at aktres na si Jackie Forster.
Honey Escarez
Isang swimmer naman mula sa University of Sto. Tomas ang kanyang girlfriend na si Honey Escarez.
Photoshoot
Kamakailan ay sumalang sa isang photoshoot sina Andre at Honey. Mula sa kanilang mga kuha, makikita na mayroon silang same taste pagdating sa fashion.