#VDay: How did these celebrity couples and love teams celebrate Valentine's Day?
Ang Valentine's Day ay isa sa masasayang araw sa isang taon kung saan naglalaan ng oras ang lahat para maiparamdam sa kanilang pamilya, kapwa, at mga mahal sa buhay ang pag-ibig at pagmamalasakit.
Ikaw, paano mo ipinagdiriwang ngayon ang Araw ng mga Puso?
Tingnan ang sweet Valentine's Day celebration ng ilan nating paboritong celebrity couples at love teams sa gallery na ito:
Ruru Madrid and Bianca Umali
Ngayong Valentine's Day, marami ang kinikilig sa sweet na posts ng celebrity couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali para sa isa't isa.
"Hope you know I don't want nobody else," mensahe ni Ruru para kay Bianca. "You and I, capturing memories we will treasure together forever," sulat naman ni Bianca para sa kanilang dalawa.
Jak Roberto and Barbie Forteza
Sino ba naman ang hindi kikiligin sa sweet na date at bouquet ng red roses na inihanda ni Jak Roberto para sa girlfriend na si Barbie Forteza?
Sulat ni Jak sa Instagram, "Buti na lang nagawan natin ng paraan today Madam! Muntik pa 'di matuloy. Happy Valentine's Day, Mahal ko. I love you so much."
Heart Evangelista and Chiz Escudero
Binati naman ni Heart Evangelista ang lahat ng "Happy Valentines" sa post nito sa Instagram kung saan makikitang masayang magkasama sila ng asawang si Chiz Escudero.
Khalil Ramos and Gabbi Garcia
Maagang ipinagdiwang ng celebrity couple na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia ang Valentine's Day. Sa Instagram, makikitang binigyan ni Khalil si Gabbi ng isang box ng pink at yellow roses.
Lumipad noong Lunes ng gabi, February 13, si Gabbi papuntang Switzerland para sa upcoming romantic-drama series na 'Unbreak My Heart.'
Dingdong Dantes and Marian Rivera
Nasa Boracay ngayong Valentine's Day sina Primetime King Dingdong Dantes at Primetime Queen Marian Rivera kasama ang kanilang mga anak na sina Zia at Sixto.
Allen Ansay and Sofia Pablo
Sweet na sweet ang inihandang sorpresa ni Allen Ansay para sa on-screen partner na si Sofia Pablo ngayong Valentine's Day.
Isang silid na puno ng heart-shape balloons na may nakabitin na polaroids ang sorpresa ni Allen para kay Sofia. Nagbigay rin ang aktor ng isang malaking bouquet ng bulaklak sa aktres.
Juancho Trivino and Joyce Pring
Idinaan ni Juancho Trivino sa isang sweet na post ang pagbati niya ng Valentine's Day sa asawang si Joyce Pring. Sulat niya, "Thank you for being my partner through it all, as young as our marriage has been as of the moment I just want t say that I love you, I appreciate you, and am constantly in awe of how you are as a human overall. Happy Valentine's Day, to my love and inspiration in life."
Paul Salas and Mikee Quintos
Kitang-kita ang saya ni Mikee Quintos sa natanggap na bouquet ng mga bulaklak mula sa boyfriend na si Paul Salas.
Sulat ni Paul para kay Mikee, "Hindi magsasawang pasayahin ka palagi. I love you, Mikee. Happy Valentine's Day everyone!"
Vic Sotto and Pauleen Luna
Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni Pauleen Luna ang sweet na photo nila ni Bossing Vic Sotto sa loob ng sasakyan at binati ng "Happy Valentines" ang lahat.
Bea Alonzo and Dominic Roque
Magkasamang nag-celebrate ng Valentine's Day ang celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa pamamagitan ng isang relaxing na date.
Troy Montero and Aubrey Miles
Kasama nina Troy Montero at Aubrey Miles ang kanilang mga anak na sina Hunter at Rocket na nag-celebrate ng Valentine's Day sa Batangas.
Derek Ramsay and Ellen Adarna
Ngayong Valentine's Day, idinaan ni Derek Ramsay sa isang post sa Instagram ang pagbati para sa asawang si Ellen Adarna. Sulat niya, "Happy Valentine's Day, my love."