#CoupleGoals: Meet the viral and inspiring couple content creators in PH
Ilang mga content creator ngayon ang sumisikat sa social media dahil sa iba't ibang gimik na ibinabahagi nila online.
Kabilang na rito ang ilang mga mag-asawa at magkarelasyon na nagpapasaya sa maraming Pilipino sa pamamagitan ng kanilang nakatatawa, nakakikilig, at nakaka-inspire na mga kuwento na ipinapahayag nila sa pamamagitan ng videos sa Facebook, Youtube, at TikTok.
Karamihan sa kanilang ipinalalabas online ay mga surprise para sa kanilang partner, pranks, challenges, at ang ilan ay pagbabahagi kung paano nila naabot ang kanilang mga pangarap sa tulong ng paggawa ng content.
Kilalanin ang couple content creators na sikat ngayon sa social media sa gallery na ito:
Cong Velasquez and Viy Cortez
Sina Cong Velasquez at Viy Cortez ay nagsimula bilang simpleng mga tao na nag-a-upload lang ng makukulit nilang videos sa internet.
Ngayon, kilalang-kilala na sila, di lamang online, dahil sa kanilang mga nakatutuwang content tulad ng matitinding pranks, challenges sa isa't isa, updates tungkol sa kanilang grupo na Team Payaman, at marami pang iba.
Dream house at dream cars
Sa nakaraang vlogs at posts nina Cong Velasquez at Viy Cortez, ibinahagi nila ang kanilang mga tinatamasang tagumpay bilang content creators.
Nakapagpatayo sila ng magarbong bahay para sa buong grupo nila na tinawag nilang 'payamansion,' nakabili ng mga sariling sasakyan, at kamakailan lang, ibinahagi nila na malapit na nilang maipatayo ang kanilang dream house sa bagong bili nilang lupa.
Jayzam Manabat and Camille Trinidad
Ang young couple na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad ay mas kilala ng netizens bilang JaMill.
Ilang videos nila ang mayroong 15 million pataas na views. Kaya naman noong 2020 nakabilang sila sa mga kinilala bilang top Pinoy couple sa Youtube.
Mansion and cars
Dahil sa paggawa ng content, nakapagpatayo sila ng sariling bahay na may swimming pool at nakalipat sila rito noong December 15, 2019. Bukod dito, nabili na rin nila ang kanilang dream cars.
Kath Melendez and Ryan Armenta
Ang medtech couple na sina Kath Melendez at Ryan Armenta ay mas kilala sa social media bilang KathRyee.
Patuloy silang hinahangaan ng ilang netizens dahil sa kanilang nakakakilig na relationship goals videos.
Three-story house
Dahil sa pagsisikap ng KathRyee, mayroon na silang successful business, nakabili ng tatlong palapag na bahay.
Junnie Boy Velasquez at Vien Iligan
Si Junnie Boy Velasquez ay nakababatang kapatid ng sikat na vlogger na si Cong Velasquez na sumikat na rin dahil sa kaniyang funny videos sa Youtube. Si Vien Iligan naman ay asawa ni Junnie at ina ng cute na cute na anak nilang lalaki na si Mavi. Isa rin siya sa sikat na celebrity moms ngayon sa social media.
Family goals
Sa isang post ni Vien Iligan sa Instagram, ibinahagi niyang nakabili na sila ng lote na pagtatayuan ng sarili nilang bahay.
Team Bugok
Nakilala sina Norvin at Lovely Dela Peña bilang Team Bugok, kasama ang kanilang mga kaibigan at kamag-anak na content creators na rin ngayon.
Dahil sa kinita nila mula sa kanilang trending videos, nakapagpundar na sila ng sariling negosyo.
Samantala, silipin ang memorable weddings ng ilang celebrity vloggers sa gallery sa ibaba: