Celebrity breakups of 2022: Celebrity couples na naghiwalay ngayong taon
Marami ang nagsasabi na may dalang pag-asa ang 2022 dahil sa unti-unting pagbuti ng kalagayan ng mga bagay-bagay matapos ang dalawang taon ng pandemya.
Pero tila taliwas ito sa mga nangyari sa relasyon ng ilang showbiz couples, na nagdesisyong maghiwalay ngayong taon.
Ang tanong ng lahat: Tunay bang may forever?
Magkahalong gulat at lungkot ang naramdaman ng fans nang inanunsyo ng basketball star na si Kiefer Ravena at volleyball idol na si Alyssa Valdez ang pagtatapos ng kanilang anim na taong relasyon.
Mainit namang pinag-uusapan ang pag-amin ng singer-songwriter na si Jason Hernandez na isa siyang cheater, na naging mitsa ng paghihiwalay nila ng kanyang misis na si Moira dela Torre.
At ngayon naman, kumpirmadong hiwalay na nga ang Kapuso stars na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana matapos silang magpakasal noong 2021.
Balikan ang ilan pa sa mga showbiz breakup na naging usap-usapan sa showbiz ngayong taon sa gallery na ito:
Jose Sarasola and Maria Ozawa
Una sa listahan ang malungkot na pag-amin ng Kapuso celebrity chef na si Jose Sarasola na hiwalay na sila ni Maria Ozawa, ang sexy Japanese actress na nakarelasyon niya sa loob ng limang taon.
LDR issue
Ayon kay Jose, tinapos nila ni Ozawa ang kanilang relasyon noong Disyembre, pero naibalita lang ito noong January 2022. Ayon sa Kapuso hottie, “We had a talk. We mutually agreed to part ways. Pero wala naman kaming pinag-awayan, big fight, third party. Wala naman talagang away. Ang hirap lang talaga ng LDR. We didn't expect na ganito kahirap.”
Alyssa Valdez and Kiefer Ravena
Agad na naging trending topic sa Twitter noong May ang hiwalayang Alyssa Valdez at Kiefer Ravena, o mas kilala sa tawag ng kanilang fans na KiefLy.
Stop making up stories
Kasunod ng pag-amin sa kanilang paghihiwalay, nakiusap si Alyssa sa fans na iwasan ang mga gawa-gawang kuwento tungkol sa relasyon nila ni Kiefer. Umabot ng anim na taon ang pagsasama ng dalawang sports idols, na parehong graduate ng Ateneo de Manila University--nakilala bilang top Pinoy cager si Kiefer at decorated volleyball player naman si Alyssa.
Paul Desiderio and Agatha Uvero
Nanghinayang ang fans dahil hindi mauuwi sa kasalan ang relasyon ng PBA cager na si Paul Desiderio at former UAAP courtside reporter na si Agatha Uvero, na napabalitang naghiwalay ngayong June 2022. Nag-propose si Desiderio kay Uvero noong 2019.
Loving yourself season
Masalimout ang hiwalayan nina Paul at Agatha, lalo na at may anak silang dalawa na si Juan Andres na isinilang noong April 2021. Binura na ni Agatha ang tweet tungkol sa hiwalayan nila ng ex-fiance, pero sa isang tweet sinabi niya, “It's not breakup season, for some it's loving yourself season.”
Jake Cuenca and Kylie Verzosa
Ramdam ang sakit sa Instagram post ng former 'Encantadia' actor na si Jake Cuenca nang sinabi niyang hiwalay na sila ng beauty queen na si Kylie Verzosa. Tumagal ang kanilang pagsasama ng tatlong taon. Post ni Jake noong April 23, "I'll hold on to all our precious memories together with so much value. These past 3 years of my life have certainly been the best. I say this with such a heavy heart but me and Kylie have decided to go our separate ways."
Moira Dela Torre and Jason
Marami ang nagulat at nanghinayang nang isapubliko nina Moira dela Torre at Jason Hernandez ang paghihiwalay nila tatlong taon matapos ang kanilang pagpapakasal noong 2019.
Cheating issue
Samu't sari ang spekulasyon kung ano ang nangyari sa three years of marriage ni Moira at Jason, lalo na at umamin ang male singer na nag-cheat siya sa kaniyang asawa. Binasag naman ni Moira ang kaniyang tahimikan at tinama ang maling impormasyon na kumakalat. Aniya, "In spite of the pain I'm experiencing, let me set the record straight. While our marriage was not perfect, I have stayed true to my vows and I have never cheated on Jason. I only wish to put an end to the speculations regarding what happened between Jason and I. Though we're no longer together, it still hurts to see fabricated stories being told about us - most of which are so far from the truth.
JK Labajo and Maureen Wroblewitz
Marami rin ang nagulat nang sabay na ianunsiyo nina JK Labajo at Maureen Wroblewitz ang tungkol sa kanilang paghihiwalay sa kani-kanilang social media account. Bagamat naghiwalay na, nanatiling magkaibigan ang dating magka-ibigan na sin a JK at Maureen.
From magka-ibigan to magkaibigan
Base sa kani-kanilang post, tila maayos ang naging paghihiwalay nina JK at Maureen. Sa katunayan, sabi pa ni JK sa kanyang post, “Magka-ibigan na ngayo'y matalik na magkaibigan. Lagi mong tandaan na kahit pagbaliktarin mo man ang mundo, kahit saang lupalop man ng kalawakan, ikaw parin ang nagiisa kong buwan. Maraming salamat, mahal kita, at hanggang sa muli.”
Carla Abellana and Tom Rodriguez
After months of speculation, Tom Rodriguez has finally admitted that he and his wife Carla Abellana are already separated. The couple who have been together for almost 8 years and got married in 2021 had a painful breakup full of rumors and speculations over the past few months.
Tom's confirmation
Tom finally broke his silence and confirmed that he and Carla are already separated. In his statement, he shared that he has been living with his family in the U.S. since March. “I left the Philippines for the US last March 13, with the realization that despite all my efforts, Carla had already given up on our marriage,” he said. Tom also denied rumors saying that he was physically abusing Carla. He explains, “I will no longer dwell on the reasons why our marriage fell apart. So many lies have been said of me which are completely untrue and utterly unfair. I may have fallen short as a partner, especially when I lost all my money to someone who preyed on my gullibility, but it must be stressed that at no time did I ever lay a hand on Carla.”