Maja Salvador and Rambo Nuñez's engagement
Masayang ibinalita ng aktres at 'Eat Bulaga' host na si Maja Salvador nitong Linggo (April 17), na siya ay engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Rambo Nuñez.
"My new beginning," caption ni Maja sa kanyang Instagram post kung saan makikita ang kanyang larawan suot ang engagement ring na ibinigay ni Rambo.
Agad naman na bumati sa aktres ang kanyang malalapit na kaibigan sa showbiz at mga tagahanga.
Balikan ang naging engagement nina Maja at Rambo sa gallery na ito.
Maja and Rambo
Matapos ang ilang taon na pagiging magkarelasyon, matutuloy na sa kasalan ang pagsasama ng aktres na si Maja Salvador at non-showbiz boyfriend na si Rambo Nuñez.
Engagement
Kasabay ng selebrasyon ng Easter Sunday, masaya ring ibinalita ng aktres sa publiko ang kanyang naging engagement sa kanyang boyfriend at ngayon ay kanyang fiancé.
Flexing the ring
Ibinida rin ng aktres ang larawan kung saan suot niya ang engagement ring na ibinigay ni Rambo.
Family and friends
Saksi naman ang ilang pamilya at malalapit na kaibigan nina Maja at Rambo sa mahalagang okasyon na ito ng dalawa.