Allen Ansay, may short but sweet birthday message para kay Sofia Pablo
Nagpakilig ang Team Jolly sa All-Out Sundays nitong nakaraang linggo sa birthday celebration ni Sofia Andrea sa programa.
Nagdiwang ng maagang kaarawan sa AOS si Sofia, kasama ang AOS barkada at ang kanyang onscreen tandem na si Allen Ansay.
Nagbigay din ng mensahe si Allen para sa kanyang ka-love team. "Aki, happy happy birthday sa'yo. Gusto ko lang sabihin na lahat ng achievements mo, kung nasaan ka ngayon, deserve mo 'yan kasi nakita ko lahat ng paghihirap mo and lagi mong tatandaan na special ka sa puso ko."
Nagpalasamat din si Sofia para sa kanyang birthday special. "Unang una po, to my AOS family, for this birthday prod, I love you all so much. And of course, to my Sparkle and GMA Network family, to my Mom, to my Dad, of course, to mga ka-Team Jolly at mga Sofianatics, thank you. Sa mga kasama ko sa prod...thank you."
"At siyempre, Aki, thank you," pahayag ni Sofia.
Panoorin ang All-Out Sundays tuwing linggo, 12 noon sa GMA at sa Kapuso Livestream at GMA and ATM YouTube channels.
RELATED CONTENT: Sofia Pablo and Allen Ansay's photos that show their special relationship