IN PHOTOS: Kilalanin ang mga lalaking bumihag sa puso ng Pinay beauty queens
Mapapa-"Sana All" ka na lang talaga sa Pinay beauty queens na ito na nakahanap ng tunay na pag-ibig!
Kilalanin ang mga espesyal na lalaki sa buhay ng Pinay beauty queens sa feature na ito!
Mikael Daez
Ikinasal na sina Kapuso actor Mikael Daez at Miss World 2013 na si Megan Young matapos ang halos limang taon na engagement.
Sam Milby
Sa kanyang ika-36 na kaarawan noong May 23, idineklara ng singer-actor na si Sam Milby ang relasyon niya kay 2018 Miss Universe Catriona Gray. Aniya, "Worth every second of the wait."
Jeremy Jauncey
Kamakailan lang ay kinumpirma ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na nagde-date sila ng CEO at travel editor-at-large na si Jeremy Jauncey.
Nicole Donesa
Expecting na ang Kapuso couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa para sa kanilang baby boy na si "Baby Corky." Noong taong 2014, sumali si Nicole sa Miss World Philippines kung saan nakuha niya ang third runner up spot.
Lloyd Lee
Noong 2014 kinasal ang Fil-Chinese former model at businessman kay Miss Universe Philippines 2011 Shamcey Supsup.
Marco Alcaraz
May tatlong anak sina Miss International 2005 Lara Quigaman at ang asawa niyang si Marco Alcaraz. Isinilang ni Lara ang kanilang bunsong anak na si Baby Moses noong September 17, 2020.
Sherwin Gatchalian
Masaya ang buhay pag-ibig ng Miss Universe Philippines 2009 na si Bianca Manalo sa piling ni Senator Sherwin Gatchalian.
Migz Villafuerte
Ikinasal na si Camarines Sur governor Migz Villafuerte sa kanyang long-time girlfriend na si 2017 Miss Universe Philippines Rachel Peters.
Aldo Panlilio
Isang fitness coach at gym owner si Aldo Panlilio, kasintahan ni Miss Globe 2018 Top 15 finalist Michele Gumabao.