Timeline of Derek Ramsay-Andrea Torres relationship
The fairytale story of Derek Ramsay and Andrea Torres has come to an end.
Maraming nalungkot at nagulat na nauwi sa hiwalayan ang itinuturing na isa sa sweetest couple sa mundo ng showbiz.
Pero paano nauwi sa hiwalayan sina Derek at Andrea?
Matatandaan na nabuo ang magandang pagtitinginan ng dalawa nang matambal sila sa primetime series na 'The Better Woman' noong 2019. Sa pagtatapos ng kanilang serye umamin ang dalawa na in a relationship sila.
Muling balikan kung paano nagsimula at natapos ang relasyon ng “AndRek” sa gallery na ito.
April 8, 2019
Nangyari ang storycon ng 'The Better Woman' noong April 8 sa 17th floor ng GMA Network Center. Dito opisyal na inanunsyo sa publiko ang pagsasama nina Derek at Andrea sa isang teleserye.
April 9, 2019
Kasunod ng storycon, ipinasilip ang unang TV appearance nina Derek and Andrea bilang magkapareha sa summer plug ng GMA shows na pinamagatang "Basta't Ka-Summer Kita."
Ayon kay Derek, ito ang unang pagkakataon na nagkita sila nang personal ni Andrea. Wala raw ilangan dahil bago ito ay nagkausap na sila sa pamamagitan ng private messaging sa Instagram.
April 25, 2019
Marami naman ang nakakita ng chemistry nilang dalawa nang i-post ni Derek ang litratong ito sa kanyang Instagram account.
May 13, 2019
Nagbahagi naman ng isang behind-the-scene picture ng 'The Better Woman' si Derek sa kanyang Instagram. Marami ang nagkomento rito na bagay ang dalawa.
July 24, 2019
Naging maugong ang bali-balitang kakaibang closeness nina Derek at Andrea nang pumunta ang huli sa Shanghai, China, para suportahan si Derek sa isang tournament.
LOOK: Derek Ramsay at Andrea Torres, namasyal sa China
July 28, 2019
Pagkatapos ng kompetisyon, magkasamang namasyal sina Derek at Andrea sa Shanghai, China.
August 6, 2019
Nanood rin si Andrea ng basketball game ni Derek. Ang caption ni Andrea sa larawang ito ay "always behind you."
August 9, 2019
Sa araw na ito unang inamin ni Derek ang estado ng relasyon nila ni Andrea. Aniya, "I think we're more than friends. We've developed a really strong friendship in a short period of time but I like where it's going."
WATCH: Derek Ramsay, matalinghaga sa 'real score' sa pagitan nila ni Andrea Torres
September 23, 2019
Matapos ang frisbee at basketball, magkasama namang nag-golf sina Derek at Andrea. Paglalarawan ni Derek kay Andrea, "My new golfing buddy!"
September 25, 2019
Sa huling araw ng kanilang taping sa 'The Better Woman,' opisyal nang umamin sina Derek at Andrea na sila ay "more than friends."
WATCH: Derek Ramsay and Andrea Torres confirm relationship
September 30, 2019
Magkasamang sumabak sina Derek Ramsay at Andrea Torres sa XLine Dubai Marina, ang longest urban zipline sa buong mundo.
November 8, 2019
Magka-date ang Kapuso couple na sina Derek Ramsay at Andrea Torres sa Havana-themed Thanksgiving Party ng GMA Network.
December 5, 2019
Inilunsad nina Dereak Ramsay at Andrea Torres ang kanilang “Andrek Vlogs” YouTube Channel.
December 7, 2019
Sinorpresa ni Andrea Torres ang boyfriend niyang si Derek Ramsay sa kaarawan nito. Katulong ni Andrea ang mga kaibigan at pamilya ni Derek sa paghahanda sa party.
December 8, 2019
Nanalo sina Derek at Andrea na Best Actor at Best Actress, respectively, para sa kanilang pagganap sa 'The Better Woman' sa naganap na 9th Kakammpi OFW Gawad Parangal.
February 2020
Pinaunlakan ni Derek ang hiling ng isang fan na mula pa sa Uganda na maka-date ang aktor bago siya bumalik sa sariling bansa. Tumulong din si Andrea upang maging matagumpay ang date at pinagluto pa nga ng makakain sina Derek at "Miss Uganda."
Pre-Valentine's 2020
Bago pa sumapit ang Valentine's Day 2020, sinorpresa na agad ni Derek si Andrea! Niregaluhan ni Derek si Andrea ng isang British Shorthair cat.
May 2020
Pinusuan ng netizens ang pagsasama muli nina Derek at Andrea matapos ang ilang buwan. Pansamantalang “LDR” muna ang dalawa, dahil sa pag-implement ng enhanced community quarantine sa bansa dulot ng COVID-19. Sa Instagram post noong May 31, nag-post ng sweet photo ang dalawa at may caption pa si Andrea na “My little piece of heaven.”
June 2020
Matapos ang kanilang sweet reunion, 'tila may na-curious na netizen at tinanong ng diretsahan si Andrea Torres kung buntis na siya. Agad naman pinabulaanan ng Kapuso drama actress ang naturang tsismis.
September 2020
Sa YouTube channel nila na Andrek vlogs, sabay nilang tinour ang mga netizen sa new three-storey house ni Derek Ramsay
September 19, 2020
Nilinaw nina Andrea at Derek sa isang panayam sa 24 Oras noong September 2020 ang isyu na nagli-live in na sila parehas. Paliwanag ng Kapuso actor, “Of course I respect 'yung mga nagli-live in pero sa sarili ko lang na paniniwala, gusto ko may basbas ng Diyos bago kami magsama talaga sa isang bahay.”
November 2020
Magkasama rin ang dalawa sa shooting ng Christmas Station ID shoot na 'Isang Puso Ngayong Pasko.'
November 17, 2020
Naging maugong ang balita na nagkakalabuan ang relasyon nina Derek at Andrea, lalo na nang mapansin ng mga netizen na nag-unfollow ang mga ito sa isa't-isa sa Instagram. Ayon naman sa source ng showbiz portal na PEP.Ph, isang malapit na tao kay Andrea Torres ang nagkumpirma na hiwalay na ang dalawa. Wala pang opisyal na tungkol dito ang dalawang Kapuso stars.
November 19, 2020
Binasag ng TV-movie actor na si Derek Ramsay ang kanyang pananahimik upang kumpirmahin finally na totoong hiwalay na sila ni Andrea Torres. Sa reply ni Derek sa comment ng isang follower, nilinaw nito na walang “third party” sa breakup nila ng dating girlfriend. Aniya, “There is nothing wrong with Andrea. She is a great woman. There is no third party!!!!”
November 20, 2020
Binasag ni Andrea ang pananahimik at kinumpirmang hiwalay na nga sila ni Derek Ramsay, “Yes, Derek and I are no longer together. I'd rather keep the details private as I want to give the breakup the same amount of respect that I had for the relationship. I think you all know how much it meant to me. I hope you understand. I will always wish him and his family well.”
December 9, 2020
Ipinagdiwang ni Derek ang kanyang 44th birthday kasabay ng blessing ng kanyang bagong bahay. Present sa okasyon ang mga magulang ng aktor. Matatandaang ibinahagi ni Derek sa isa sa mga vlog sa Andrek YouTube channel na may inilaan siyang espasyo sa bahay niya para kay Andrea.
Post ni Derek sa social media, “2020 has been a tough year for all of us. Now the year is almost over, we should take everything we have learned and move forward to 2021.”