GMA Logo Shaira and EA, engagement
Celebrity Life

Shaira Diaz, nagpapasalamat sa fiancé niyang si EA sa pagmamahal nito sa kaniyang pamilya

By Aedrianne Acar
Published February 16, 2024 2:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Shaira and EA, engagement


Tuloy ang “FEB-IBIG” sa 'Unang Hirit' dahil opisyal na inanunsyo nina EA Guzman at Shaira Diaz ngayong araw, February 16, ang kanilang engagement.

Nakakakilig ang Friday this week ng Unang Hirit matapos eksklusibong kumpirmahin ng Kapuso couple na sina Shaira Diaz at EA Guzman ang kanilang engagement.

Ayon sa dalawa, nangyari ang proposal ni EA kay Shaira noong December 25, 2021.

Sa episode ng award-winning Kapuso morning show, emosyonal na nagpasalamat si Shaira sa kaniyang fiancé sa binibigay nitong pagmamahal hindi lang sa kaniya, kundi pati na rin sa kaniyang pamilya.

Sabi ng Sparkle host-actress, “Gusto ko lang magpasalamat sa pag-aalaga mo sa akin sa araw-araw. Sa pag-intindi mo, sa pagmamahal mo. Napaka-giving mo, hindi lang sa akin, kundi sa pamilya ko rin.”

“Thank you din for loving them and ito na to. This is it!”

Samantala nangako naman si EA sa kaniyang future wife na mamahalin niya ito hanggang sa dulo. Ani ng Bubble Gang actor, “Lagi lang ako nandito and mamahalin kita araw-araw. Mamahalin kita habang buhay.”

Ipagdiriwang ng dalawa ang kanilang 11th anniversary as a couple sa darating na February 17.

Buhos naman ang pagbati kina EA at Shaira sa kanilang big announcement tungkol sa kanilang engagement. Ilan sa mga Sparkle artists na nagpaabot ng kanilang sweet message ay sina Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, at Mavy Legaspi.

RELATED CONTENT: SHOWBIZ PERSONALITIES REACT TO SHAIRA'S ENGAGEMENT