Filtered By: Celebrity Life | Relationship
Jeric Gonzales
Source: gmaregionaltv (IG)
Celebrity Life

Jeric Gonzales, may tips sa pag-maintain ng healthy relationship

By Kristian Eric Javier
Paano nga ba napapanatili nina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo ang isang healthy relationship?

Kahit busy sa kani-kanilang projects at commitments, name-maintain pa rin nina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo ang kanilang healthy relationship kaya naman, ibinahagi ng Kapuso actor ang ilang tips kung paano nila nagagawa ito.

Sa interview ni Jeric sa GMA Regional morning show na At Home with GMA Regional TV, ibinahagi niya ang ilang paraan para magkaroon ng isang happy at healthy relationship.

“For me, personally, 'yung communication n'yo sa isa't isa, kahit nasaan kayo, dapat intact 'yan, hindi mawawala 'yan. Dapat nagkakaintindihan talaga kayo,” sabi nito.

Dagdag pa ng aktor ay importante rin sa kanila ni Rabiya ang oras nila para sa isa't isa.

TINGNAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA JERIC AT RABIYA SA GALLERY NA ITO:

Ibinahagi rin ni Jeric kung anong klaseng boyfriend siya at sinabing understanding at caring ang aktor.

“Kasi malambing ako e, and then as much as possible, iniintindi ko talaga 'yung partner ko, kung ano man 'yung work niya kung 'di siya nakakapag-spend ng time sa'kin,” pagbabahagi nito.

Nang tanungin naman siya kung anong klaseng girlfriend si Rabiya, ang sagot niya, “Si Rab, napaka ano niya e, lambing.”

“Nahawa ako sa kanya sa pagiging disciplined niya sa work and sa money. Like gusto niya talaga work and work,” sabi nito.

Dagdag pa ng aktor, “'Pag may work talaga, 'yung opportunities, hindi niya pinapalampas.”

Ibinahagi rin ni Jeric na isa sa items sa bucket list nila ni Rabiya ay ang makatrabaho ang isa't isa.

Panoorin ang buong interview ni Jeric dito:

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.