Robi Domingo at Maiqui Pineda, tuloy ang kasal: 'Lalaban tayo'
Aminado si Robi Domingo na naging malaking pagsubok sa kanyang pananalig sa Diyos ang karamdaman ng kanyang fiancée na si Maiqui Pineda.
Matatandaan na noong nakaraang August, bago i-celebrate ng celebrity couple ang kanilang ika-limang anibersayo, ipinaalam ni Maiqui sa publiko ang pagkakaroon niya ng rare autoimmune disease na Dermatomyositis.
Ayon sa hopkinsmedicine.org, ang dermatomyositis “is a rare disease that causes muscle inflammation and skin rash. It's one of a group of muscle diseases that cause muscle inflammation and swelling. It's different from other muscle diseases because it also causes skin problems.”
Dahil sa pagsubok na ito, ayon kay Robi, “Of course, ang dami kong questions, especially about my faith, 'no? 'Bakit siya? Bakit ngayon pa? Bakit sa dinami-rami ng tao, kami pa ang naapektuhan?'
“But you have to cling on to those strands of faith and just looking at her and her progress, yun ang nagbibigay ng lakas sa akin.”
Nakausap ng GMANetwork.com at iba pang entertainment media si Robi matapos siyang ipakilala bilang host ng game show na “Watchawin” noong Miyerkules, August 30.
Related content: Pinoy celebrities na may rare medical conditions
Sa ngayon, positibo ang pananaw ng magkasintahan tungkol sa health condition ni Maiqui.
“She's getting better. A long way to go pero malayo doon sa image ko na nakikita sa kanya na nasa hospital bed. Now, she can walk properly,”paglalarawan ni Robi.
Dahil din daw rito, mas tumitibay pa ang relasyon ng celebrity couple. Kung siya ay kumukuha ng lakas sa pagiging positibo ni Maiqui, umaasa rin si Robi na nakapagbibigay siya ng lakas sa kanyang fiancée.
“Sana kapag hindi na niya nakikitang umiiyak ako,” biro ni Robi. “Mas iyakin ako, lalo na kapag ang bigat-bigat ng pakiramdam ko before. Now, we have accepted that fact and we have a working prognosis, not just in terms of her health pero how we could fix our relationship, not just with us but with the Lord.'”
Sa kabila ng kanilang sitwasyon ngayon, hindi raw mauurong ang planong pagpapakasal nina Robi at Maiqui.
Sabi ni Robi, “We talked about it. Honestly, because of her condition, I was the one who told her na baka dapat nating i-delay nang kaunti. Kasi, medyo iniisip ko na yung health niya. Siya yung nagsabi, 'Don't. Give me something to hope for.' Upon hearing that, siyempre, naiyak ako, 'Hindi, lalaban tayo. Laban.'”
Sa katunayan, nabanggit ng TV host, “Right now, she's focused on her health ngayon, ako ang groomzilla ngayon. Ako ang nagha-handle ng lahat ng mga bagay kaya medyo nakaka-pressure, nakaka-stress. But it's the details that count, na okay kailangan, 'Ako na bahala, relax ka na diyan.'”
Nang tanungin kung kalian ito mangyayari, pabiro sinagot ni Robi, The wedding will happen sa takdang panahon!”